
#phm#ryland grace#rocky the eridian#project hail mary spoilers
#batman#dc#dc comics#bruce wayne#batfamily#dick grayson#batfam#tim drake#dc fanart

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Mexico

seen from United States
seen from Germany
seen from United States
seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from Switzerland
seen from Switzerland

seen from Switzerland

seen from China
seen from China
seen from Türkiye
seen from Switzerland
seen from Brazil
seen from United States
Another radio campaign for The Sharks.
JAC 265-02; Radio Script, Spoken Word
Radio Script (SFX)
Tropa #1: (FADING ON) HOOOOYYYY! Guys antayin niyo ako!!!!
(Footsteps running SFX)
Tropa #1: (ON MIC) Buti inantay niyo ako!
Tropa # 2: Bakit kasi ang tagal-tagal mo?
Tropa #3: ONGA! OH MAY GULAY! Ang tagal na nga naming kanina tas di ka pa dumating on time…TSK! TSK! TSK!
Tropa #1: WOAH! WOAH! WOAH! Chill lang kayo! Pasensya naman at di ako agad pinayagan ni inay makalabas kasi di ko pa naayos kwarto ko.
Tropa #3: Sige bilisan na lang natin at baka mawalan pa tayo ng magandang pwesto sa sinehan. Anong oras pala start ng movie?
Tropa #2: Bali yung SuperCalifragilistikWalastikFantasticEcstaticEpeleptic Part 2: Return of the Returners 2:25pm pa yung start tapos yung Walang Iba Kung Hindi Ikaw, Ako, Tayo pero Di tayo Bagay sapagkat Tao Tayo ay 2:15pm naman. So ano gusto niyo panoorin?
(SFX: SUSPENSE MUSIC)
Tropa #1: E di yung Space Rangers Part 45!
(SFX: CONFETTI AND FIREWORKS)
Tropa #3: OO NGA! SUPER GANDA NUN!
Tropa #2: Sige yun na lang! 2:30pm yun! GAME!
Tropa #1 and #3: GAME!!!
(FADING OFF)
Tropa #1: Parang maganda nga reviews nun….
Tropa #3: Mga gano kahaba ba yung….
NARRATOR:
Sa kalagitnaang ng gabi sa isang tahanan habang natutulog ang mag-ina (malumanay na pagbigkas)
(Nagtatahulang mga aso sa background)
NAY ODA:
Tsk, napaka-ingay! Joyjoy tignan mo nga kung sino ‘yung tao sa baba (yamot, nagtatahulan pa rin ang mga aso sa background)
JOYJOY:
Nay naman e, madilim na sa ‘baba nakakatamad na po kayo na lang.
NAY ODA:
Anak, makapal ‘yung bago kong biling tsinelas masarap ihampas sa mga tamad (malambing, sarcastiko ang tono) baba k aba o hindi?
JOYJOY:
Heto na o, pababa na nga po e
(Hindi pa rin tumitigil ang mga tahol)
(tunog ng yapak sa kahoy na hagdaan)
JOYJOY:
Sino ‘yan? (pasigaw habang mabagal na nababa ng hagdan)
NAY ODA:
Anak, dalhin mo itong flashlight! Para makita mo ang switch diyan sa ibaba at hindi ka madapa.
JOYJOY:
Salamat Nay. Hindi kaya si Kuya Isidro ‘yon? Baka nakabalik na siya galing Maynila.
NAY ODA:
Wala naman nabanggit ang kuya mo sa sulat na uuwi siya e. (Nagtahulan ulit ang mga aso)
NAY ODA:
Hala sige paki-tignan mo na yung tao sa Ibaba ng makatulog na tayo! baka kapitbahay lang ‘yan na manghihingi ng kamyas sa bakod.
JOYJOY:
Ganitong oras Nay??
NAY ODA:
Bumaba ka na nga ng malaman natin! Magdahan-dahan ka dyan sa may hagdan.
(Sunod-sunod na yapak sa kahoy na hagdan kasabay ang tahol ng mga aso)
(Tunog ng binubuksan na pintuan)
NARRATOR:
Binuksan ni Joyjoy ang pintuan nguni’t walang tao. Inulit niya ang paglingon sa buong paligid at tatlong aso na nagwawala lamang ang nasa may bakuran
OYJOY:
Saan ba ‘yon? Wala namang tao e. Tsk.
(Tunog ng hangin sa labas)
(Tunog ng dabog ng pintuan)
(Dalawang yapak sa kahoy na hagdan)
NAY ODA:
Anak sino ‘yon?
JOYJOY:
Wala pong tao nay. Baka may dumaan lang na tricycle, naingayan ‘yung mga aso at nagtatahol.
NAY ODA:
Haaaay, bihira naman sila tumahol ng ganyan katagal e. O siya umakyat na tayo at kinakabahan ako.
(Tunog ng mga yapak na paakyat sa hagdan)
NARRATOR:
Paakyat na ang mag-ina sa may hagdan ng biglang…
(Tunog ng nahulog na kubyertos at baso na sinundan ng tunog ng natumbang upuan)
NAY ODA:
Sino ‘yan? Magsalita ka! Magnanakaw ka ano! Ha! Magnanakaw! (Sigaw)
(Ngumiyaw ang pusa)
JOYJOY:
Kalma ka lang nay, pusa lang o. Kinain na ‘yung tinirang kong ulam, nagkalat pa sa mesa. Naku!
NAY ODA:
Itapon mo na ‘yan sa bintana! Istorbo itong mga hayop na ito. Dis oras nan g gabi e.
(Katok sa pintuan)
KAPITBAHAY –DING:
Aling Oda! Aling Oda? Ayos lang ba kayo diyan?(Sigaw mula sa labas)
(Tunog ng pagbukas ng pintuan)
NAY ODA:
O ikaw pala, ayos lang naman kami Timo. May pusa lang kanina at nagising kami sa tahol ng mga aso
KAPITBAHAY-DING:
Ganoon po ba? Narinig po kasi naming sa bahay ang kalabog at pagsigaw ninyo. Nag-alala kami ng misis ko kaya tinignan k oho ang lagay niyo.
JOYJOY:
Salamat Kuya Timo sa pagdaan, naku napakanerbyosa nito ni nanay! Pinagbintangan pa ang pusa!
NAY ODA:
Hoy, huwag ka sumabat sa usapan ng matanda. Mas nakakatakot naman talaga ang mga masasamang loob kaysa multo. Dahil mga buhay naman talaga ang mga pumapatay!
(Tunog ng hangin)
KAPITBAHAY- DING
Mauna na ho ako, sinilip ko lang po talaga kayo. Mabuti naman at walang nangyari sa inyo. NAY ODA:
Salamat Ding at nag-abala ka pang silipin kami mag-ina. Naalala ko tuloy ang anak kong si Isidro na bantay naming kapag na andito siya.
KAPITBAHAY-DING:
Wala ho iyon Aling Oda. Namimiss ko na rin ang kaibigang matalik ko na iyon. Sige ho. Isarado niyo mabuti ang mga pinto. Uwi na ulit ako.
NAY ODA:
Tama ng makatulog na, salamat ulit.
(Tunog ng sinarado ang pinto)
NARRATOR:
(mabagal na pag- basa)
Pagkaalis ni Ding at pag-akyat ng mag-ina ay tumahimik ang mga aso at ang buong paligid. Kinaumagahan…
(huni ng ibon)
NAY ODA:
Anak, bumaba ka na dyan. Nakahain na ang umagahan.
(tunog ng kawali at sandok na pinupukpok)
JOYJOY:
Hintay lang po, inaayos ko lang ‘tong antenna ng radyo natin Nay.
NAY ODA:
Dalhin mo na lang yan dito sa mesa para makapakinig din tayo ng balita.
JOYJOY:
Hayan! Naayos din. Tara kain na po tayo! Mukhang masarap itong tuyo Nay!
REPORTER SA RADYO:
Hindi ganoon kaganda ang umaga sa ating baryo matapos nakawan at mapatay ng mga di-kilalang mga suspek ang isang mangingisda habang mag-isa ito sa kanyang bahay kahapon. Ito na ang pangalawang insidente ng nakawan at patayan sa ating lugar matapos mapatay noong isang araw ang isang magbubukid na nagngangalang Ding Tuazon habang ipinagtatanggol ang kanyang asawa mula sa masasamang loob na lumimas sa kanilang bahay. Para sa’ting kaligtasan lahat, Huwag po tayo basta-basta magbukas ng pinto at magpatuloy ng hindi natin kilala (fade) NARRATOR:
Ngayong araw ng mga patay,Mag-Ingat! Huwag matakot sa mga galang kaluluwa. Mas matakot tayo sa mga buhay na halang ang kaluluwa na handang nananakit ng kapwa para sa mga pansariling dahilan,. Isang Paalala.