Ikaw
Ikaw, ikaw yun ngiti sa aking mga labi
Ikaw, ikaw yun luha na pumapatak lagi
Ikaw, ikaw ang pinakamasayang alaala
Ikaw, ikaw ang pinakamsakit na nadarama
Sa bawat alaala mo, andito at lumuluha ako
Pilit kumakawala pero ang higpit ng alaala mo
Paano ko ba sasabihin okay na ako sa sitwasyon na ito?
Kung ang tanging nais ko, ako na lang ulit ang nasa puso mo.
Pwede ba yun? Pwede ba na ako na lang ulit ang mahal mo?
Ang tagal ko ng nangungulila sayo
Pwede ba kahit sandali sa pagbalik ko, nakikiusap ako
Yakapin mo ako ng mahigpit na parang nasa 2013 pa tayo.
Pasensya na, di ako makausad sa alaala mo
Patawarin mo ako, dahil ninanais ko na mahalin mo pa rin ako
Alam ko, alam na alam ko may nagmamayari na ng puso mo
Sana, sobrang sana ako na lang yun tao na yon
Kaso hindi, hindi ako sya.
Ano ba ang laban ng halos 4 na buwan sa 4 na taon at 6 na buwan?
Lahat ng meron tayo, sigurado ako inyong nalampasan
Sampal na matuturing sa puso ko na umaasa sa iyong pagmamahal
Sana inilaban kita, sana pinaglaban kita
Ilan beses ko man pagsisihan wala ba rin mapapala
Meron ka ng iba, mahal na mahal mo nga diba?
Alam ko, mahal na mahal na mahal mo sya higit pa sa pagmamahal mo sakin nun ako pa.
💔💔💔















