Alaala
Sa iyo, ang puso ay naging masaya
Sa iyo, napuno ito ng galak at tuwa
Sa iyo, ako ay nagmahal ng totoo
Di man ako ang ngayon ang kasama mo
Di ko mabitiwan ang nakaraan, yan ay totoo
Di ko magawang talikuran kahit ipagtulakan ako
Di ko kaya iwan ang ngiti at pagmamahal mo
Dahil sa "noon", ang puso natin ay pinagbuklod
Totoo, hanggang ngayon may kirot
Totoo, hanggang sa ngayon masakit dito
Totoo, kung pwede lang ibalik ang panahon
Di ako bibitiw kahit ipagtulakan mo
Ang lahat na lang ng yun ang alaala mo
Ang pinaka MASAYA at MASAKIT na meron ako sayo
Pilitin man kalimutan pilitin man itago
Ikaw pa rin ay may pinakamalaking bahagi ng puso ko

















