Ritwal
Sabi ko gagawa ako ng postmortem for the sem that was, pero para sa ibang mga klaseng kinuha ko, parang ang bigat pala sa loob kong gawin yun. Pero kasi, ritwal na ito at ayoko siyang i-break. So eto. Photojourn Siguro medyo mouthful na ang naicomment ko dito: it was blah. Sayang na hindi ko ito nakuha last sem, because based on what the Multiply friends say here it seemed like a great class. I'm not saying TG isn't good; I just wish there was...more. Malas lang namin na natapat na marami siyang projects this sem kaya hindi niya rin kami natutukan. Which means that you'll never hear me say "Don't take this class." Kasi kahit ganun, iba pa rin siya magturo. No frills, no bullshit, as is, where is. Intro to Radio Prod I know the Broad majors will disagree, pero masaya akong natapat sa isang prof na hindi naninigaw, nananakot o namemressure pag prod na. (Masyado nang haggard ang sem para dagdagan pa niya noh.) Kaya naman napaka-fun ng klaseng ito, pero marami ka ring matututunan, at hindi yun dahil sa mga teorya't lektyur na pagdadaanan mo sa umpisa. Group effort talaga ito, at bawat isa may silbi. Minsan pa nga nakadepende sa talent mo ang kalalabasan ng grade mo. Dito narealize ko din na hindi talaga ako director material. More like talent material, pwede pa. *chuckle* Intro to CommRes (v.1) At talagang may v.1 ha! Hehe. Hindi siya madaling subject. Hindi rin chever lang ang prof. Mag-isip pa lang ng topic, hindi na madali. Living in constant plagiarism paranoia can really get into you, pero somehow it makes you more OC. haRhaRhelL is hell, pero I must say masayang tumingin-tingin sa mga thesis (kamusta naman ang seeing the silver lining in the clouds). Hindi talaga siya madaling subject. Nakakaloka lang na we lived in a matrices sa subject niya, pero naappreciate ko din nang kailangan nang i-paragraph form ang mga problems, objectives, RRL, chever. Nasabi ko na bang hindi siya madaling subject? Pero isa kasi siyang necessary evil that you can't avoid. Sana lang ang comres v.2 ko ay maging fun. For a change. The Newsroom Iba talaga 'tong klase na 'to. Walang ranggo: lahat kami editors. Walang pahinga: umaaverage kami ng 5 papers a week ang workload (although nung huli, kumonti man, bumigat naman). Walang patawad: bawat articles na pinapasulat sa amin, ifaflash for the whole class to see para maworkshop ng lahat (teh horror!). Walang kawala: Deadline kung deadline (pwera kung may excuse slip, at strict siya dito ha!). Sa finals, nasa rules na pag hindi nakatapos ay kailangang magbigay ng letter to defend kung bakit nagkaganon. Kaya nakakaoverwhelm kasi ang bait bait bait talaga niya as a person. Enjoy ang pagiging prangka niya, pero mas enjoy na marami ka talagang matututunan sa kanya. Kaya siguro hindi ko rin mablame na marami sa mga nagdaan sa kanya ang willing na magdaan ulit sa kanya. At isa na ako dun. TV Journ Eh, maeecho ko lng ang iba't ibang comment at blog posts na nasabi na. Haha. So sa ibang entry na lang kasi mahaba pa yung mga hindi pa nasasabi. ^___^












