Nababasa mo ba itong blog ko? Sana mabasa mo ito. Ahihihi. Kasi ito na ang huli. Ito na talaga ang huling beses (at pag hindi ko ito matupad, panumbat ang entry na ito). Sa totoo lang, sawa na akong magblog tungkol sa'yo, pero wala rin ako sa mood (at walang load) na itext lahat ng ito sa'yo. Kaya dito na lang. Ahahaha.
...
Binabawi ko pala yung sinabi ko kanina sa'yo na ikaw ang nagturo sa akin ng dalawang mahiwagang salita na "move on." Eeek. Wrong answer.
Dahil kung tutuusin, walang directly nagturo sa akin nun.
I could come up with the many analogies and messages about moving on, but only two stood out. These two are the worst and the best, respectively.
Alam mo ba na yung taong iniiyakan mo (kung siya man yun, dahil hindi naman ako pala-tanong) ang siyang unang tao na nagsabi sa akin na mag-move on ilang oras pagkatapos ng katapusan natin? Mga tatlong oras pa lang ang nakakaraan nun, tapos sasabihin niya agad sa akin, "Move on, let go"? Di ba yun nga yung ginawa ko kanina? Putangina.
Pikon na pikon ako nang mabasa ko yun, kasi una, hindi kami close. Pangalawa, sino ba siya? Porke't best friends kayo, best friend niya na rin ako? Duh. At pangatlo, masama ang kutob ko sa kanya una palang.
And I was right. Or so I'd like to believe. Nakapag-move on ka nga dahil sa kanya, pero ngayon umiiyak ka dahil sa kanya. Na naman.
Kung kaya ko siyang awayin sa cyberspace noong pinaiyak ka niya, ngayon hindi na. Siguro nga nawala na ang korona ng The Most Bitter Ex in The World bago ko pa man mamalayan.
Er, sorry I'm ranting.
Bakit yun ang worst move on message ever? Simple: kasi hindi mo ididikta sa kahit sinong tao na magmove on na siya, lalo na kapag sugatan pa siya. Hayaan mo lang siya; kanya-kanya tayo ng ways of coping di ba. You can only comisserate, but not dictate nor give unsolicited advice. After all, hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya.
Tinatanong mo sa akin kaninang umaga kung paano magmove on. Nagkamali pala talaga ako sa pagaaakalang alam mo na ang sagot.
Naalala ko ang pagkakaintindihan namin ng isa kong kaibigan kung bakit madalas mahirap mag-move on. Kasi pag nakuha mo na yung pinakamatindi, tapos nawala sa'yo, hangga't walang matinding follow-up, you're just stuck there. Wala ka nang iisipin kundi siya. Kahit maraming distractions sa paligid mo, when all is done and you're nothing but idle, siya lang palagi ang maiisip mo---kahit na taon na ang binibilang ng huling beses niyong pagkikita.
Pero, sa totoo lang, eventually choice mo din if you don't want to be stuck there forever, whatever there may stand for. And for me, there was you, the one I used to call The Last One.
I dunno when exactly I made that choice, and perhaps I'm not the best person to speak about it here in cyberspace (or any space whatsoever). But I stood and am standing by that choice, that choice of not thinking of you when all is done, that choice of seeing the world beyond what is there, that choice of not making you the LAST one. I'm not saying it's easy, because it takes time, but eventually you'll appreciate the beauty of it.So what was the best message I've received about moving on? Galing yun sa high school friend kong si Bernadette (I'm sure you remember her; perhaps baka nagkikita kayo sa school). At least she knew better than give advice HOURS after a big break up; she sent it to me a month later. Here's how it read:
You asked me how to move on? Here it is in a nutshell: if being in love is a choice, then so is letting go of it. Remember that, and move on.
^___^