Monthsary namin. Hmm, a day before, magkagalit kami. Nagalit sya sakin. Kasi nag s sya. ♥ As usual magkagalit kami di kami nag uusap. Pero nagulat ako kasi galit na galit sya nun (ramdam na ramdam ko) pero sinabayan pa rin nia ko pumasok, given na late ako nung araw na yun. :) Hihi
Nung nasa Cubao na ko, di magkasama na kami. Nanlalambot ako kasi naiinis ako dun sa kinakagalit nia. Bago pa kami magkita naiiyak na ko sa inis. Nung pagkakita ko sakania di ko sya pinansin pero umakbay sya sakin. Pero sa jeep di na kami nag uusap, naiiyak na ko lalo nun. Hanggang sa dumating kami sa school ng di talaga nag uusap hanggang papunta na kami ng OC, na di pa rin magkausap tas mag kalayo kami maglakad. Hahaha. Tas nung malapit na kami natatanaw na kami ng mga classmate namin, "magkagalit yan" "umiyak si abbi?" Hahahahahahhaa awkward at its finest! :p Natapos na yung pe tas di pa rin kami nag uusap pero magkasama na kami, after nia magpalit ng damit bigla na ko humawak sa kamay nia.. tas.. yon. Di nia naman inisnob, na feel ko na humawak na rin sya sa kamay ko, tas hinawakan nia yung likod ko kung basa ng pawis, tas tinanung kung may dala akong extra shrt♥ At nagtuloy tuloy na, na nag uusap na kami tas yon kasama namin sila classmates sa SM mag lunch, khub tas drecho sa bahay nila classmate. Movie marathon, and landian with feelings. :") Okay na talaga kami nun. Pero nung bago kami umuwi, nag ssorry ako. Basta nag ssorry ako, tas nag eexplain. Tas naiinis ako sa reaction nia. Yung parang di nia magets yung point ko so ayun medio tinoyo ako nung naghiwalay na kami tinext ko na sya na mag ingat sya pero ang tamlay.. blablabla in short ang cold KO nung gabi. Nag ddrama ako and everything feeling ko isa akong malaking failure (kahit maliit lang ako, hahahaha basta yung ganung feeling knowing na monthsary namin kinabukasan at wala nanaman akong planong matino tapos nag eexpect ako na may something sya pero naisip ko na, Abbi hindi sya ganun. Di sya yung katulad ng mga napapanood mo na laging may surprise)
Nung gabi na yun ang tagal nia mag reply, tas kasi ang gusto ko hanggang 12 kami magkatext pero sabi nia inaantok na sya kaya sabi ko ge tulog nalang din ako blabla.
Kinabukasan, monthsary namin. 7:30 1st class kaya dapat maaga gsing namin. Pagtingin ko sa phone ko wala pa syang text. Inaantay ko.. wala pa rin. Edi tinext ko na sya. "Goodmorning baby, happy 4th!♥" SOBRANG DRY kasi wala talaga ko sa mood nun. Tapos pagkasend ko, may text sya agad. Naunahan ko lang pala sya. Tapos yung text nia. Aw, napaluha ako, nakakalusaw as in♥ Sobrang sweet. Sobrang feel ko yung love. :") Change mood agad ako nun. Hahahaha inis♥ Yun magksama na kami sabay pumasok, nag review, nagtest. Yun tapos na ang class. Gala na kami, nagmamadali ako kasi sayang oras. Tas bigalng nag aya sya na may kukunin daw sya malapit sa OC, sabi ko sige lang tas nung malapit na kami kinakabahan ako.. sabi ko sa sarili ko tangina neto, ano naman kukunin mo malapit sa OC. So eto nanaman ako, nag eexpect na may surprise sya. Hahahahahaha. Yun nga nung malapit na kami kala ko may surprise sya kaya kami pupunta dun, tapos nung andun na kami.. wala nganga hahahahhaahhaaha! Sabi ko bat ba tayo nandto? Edmarc: Wala lang! *insert 100 na tawa* Hahahahahahaha boset! Medio na heart broken ako dun, kala ko kasi talaga. <///3 Tas naupo kami sa halos tapat ng chapel..
Edmarc: May bibigay nalang ako.
Abbi: Ano?
E: De joke wala..
A: Namo hahahahaha (umasa)
E: Seryoso may bibigay talaga ko.
A: Poker face. Di na naniniwala.
E: May inabot na box na maliit. Oh my god. Hahahahahahaahahahhaahahahahhahaha. Xhet xhet xhet! Pag bukas ko may singsing. ♥ Kainis naluluha ako sa kilig sa saya sa lahat♥♥♥ :'( :") Alam mo yung feeling na nag expect ako, tas kala ko walang nangyari yun pala may ibibigay syang singsing sakin♥
Natameme talaga ko nun, HAHAHAHAHAHAHHAAHHA. Di ko alam anung sasabihin tas yun pumunta nalang kami sa tapat ng chapel, Nag promise sa isa't isa tas dun namin sinuot yung promise ring namin♥ Akala ko kasi talaga next month pa kami magkakaron nun kasi nawala yung ipon ko kaya di kami natuloy bumili, yun pala kaya ang tagal nia mag reply nung gabi, bumibili pala sya. Wewszx! :") ♥ After nun tsaka lang kami pumunta ng mall para as usual, kumain at kumain♥
Thank you Beb! Iloveyousomatszx! :”) :* :*