5-Day Pleasure - Chapter 9
All eyes were on him as he walked in the steep hallway of the precint. He didn’t mind the people staring at him or calling him. Two guards guided him until he reached the visitor’s area.
Inayos muna niya ang nagusot na suit bago umupo sa bakal na upuan. Katapat nito ay isang mahabang mesa na gawa rin sa bakal. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar hanggang dumako iyon sa taong gusto niyang makita.
He should be happy seeing the man in an orange clothes, handcuffed and looked nothing like the proud Mr. Arthuro Zobel, but he couldn’t find that triumph within his heart.
Gulat at pagtatakha ang rumehistro sa mukha ng matanda, ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang marating ang katapat na upuan ng kaniyang di kilalang bisita.
“Who are you?” Mr. Zobel asked the man whose comfortably sitting across him.
He crossed his arms and the side of his lips twitched upward. He let out a low mocking laugh as he speaks. “I’m hurt you cannot recognize me, Mr. Zobel. And sad that I can never forget you.”
“What are you trying to say? Have we met before? Kung isa ka sa mga taong nagawan ko ng kasalanan,” he paused and slightly bow his head, “I’m sorry.”
The man laughed once again, this time it echoed into the four walls of the area.
“Your sorry is not enough to bring back the life of my sister.” He spat each words. Hindi na rin napigilan ang pagkuyom ng kamao nito.
Muli, naalala niya kung paanong nawala ang kaniyang nag-iisang kapatid. How her lifeless body felt against his arms. How pale her sister became as she was covered in her own blood. Hinding-hindi na iyon mabubura sa kaniyang isipan. Nakatatak na iyon sa kasuluk-sulukang bahagi ng kaniyang pagkatao.
Pagkalito ang rumehistro sa mukha ng matanda hanggang sa maalala niya ang insidenteng ilang taon ring umusig sa kaniyang konsensya. Nanlaki ang kaniyang mata at dilat na dilat noong bumaling muli sa binata.
“I-Ikaw?”
The man flashed a lopsided grin. “I am the brother of the kid you killed.”
Mr. Zobel started to sob as he remembered the incident. Umiiling ito at hindi makatitig ng tuwid sa binata.
“Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya,” paulit-ulit nitong wika.
“Sinadya man o hindi, you can never bring back my sister.” Puno ng hinanakit ang boses ng binata. He stilled on his chair as he looked at the eyes of the man he loathed the most. His green eyes were burning, and it’s full of hatred. “You turned me into a monster. You made me heartless. You are the reason why my blood screams vengeance. And you are the reason why your daughter—”
“Don’t hurt my daughter,” Mr. Zobel pleads.
Umigting ang kaniyang panga at pilit kinalma ang sarili. “I heard your daughter’s… pregnant.” The last part sounded like a whisper. It’s hard for him to say the word but he did.
“I’m begging you, don’t touch my daughter.” Mr. Zobel pleads once again.
Hindi sumagot ang binata, bagkus ay maotoridad itong tumayo at tumalikod. A small sardonic smile escaped his lips. “Too bad, I already did.”
“I-Ikaw?” Biglang napatayo si Mr. Zobel sa kaniyang kinauupuan noong mapagtanto ang isang bagay. “It’s you who kidnapped my daughter.” He blurted.
Sa huling pagkakataon ay hinarap siya ng binata. His chiseled face void from any emotions. His eyes were dead but if you look deep into it, you will see a glimpse of pain that was hidden. “It’s for you to find out. But I guess you will never know since I will make sure that you will rot in this place.”
*****
3 years later…
“Where’s Angelo?” Natatarantang wika ni Isabella sa nanny ng kaniyang 3 year old little boy noong makita ang namumutla nitong mukha. Kinutuban na siya ng masama noong hindi mahagip ng kaniyang paningin ang kaniyang anak.
“M-Ma’am, eh kasi bumili lang ako ng maiinom tapos pagtingin ko wala na si Angelo sa tabi ko.”
“Oh my god!” Isabella’s heart started to pound faster than the usual. Gusto niyang sumigaw at pagalitan ang nanny ng kaniyang anak ngunit mas importante sa lahat ay ang mahanap niya ang kaniyang anak.
“Saan mo ba siya iniwan, ha?” ani Isabella habang kagat-kagat ang kuko at hindi mapakali ang isipan.
“Dito po.” Sumunod siya sa nanny ng kaniyang anak hanggang mapadpad sila sa bahagi ng park na maraming batang naglalaro.
“Angelo? Baby? Where are you?” Nagsimula na siyang sumigaw habang umiiyak.
Hindi niya kakayaning mawala si Angelo sa buhay niya. She remembered all her struggles giving birth to Angelo at mas lalo lamang siyang naiiyak.
“I shouldn’t have answered that phone call.” Maya-maya’y bulong niya sa pagitan ng pagsigaw at pag-iyak.
It’s Saturday afternoon at ganito ang bonding niya at ng kaniyang anak. She will bring him to the park and they will play hanggang sa magsawa si Angelo. Kanina naman ay masaya silang naglalaro, kung hindi lamang sa tumawag sa kaniya ay sana nasa tabi pa rin niya si Angelo.
“Kasalanan ko ‘to… Kasalanan ko ‘to,” bulong niya at napapasabunot sa kaniyang buhok. “I can’t forgive myself if something happened to my baby boy.” She sobbed.
“Ma’am, pasensya na po. Kung sana hindi ako nalingat hindi nawala si Angelo.”
It didn’t comfort her. Mas lalo lamang bumigat ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya kakayaning mawala si Angelo sa kaniyang buhay. Her little boy is her sunshine. All the nightmares she had was vanished when Angelo was born. Para itong anghel at lahat ng hinanakit sa kaniyang dibdib ay biglang naglaho.
She was hesitant at first to touch Angelo, but when she saw him smile, her heart melted in an instant.
Marami man ang pinagdaanan niya bago naisilang si Angelo, lahat iyon ay napalitan ng kasiyahan sa munting ngiti ng kaniyang anak. Lahat ng panghuhusgang naranasan niya ay balewala sa sayang dulot ng kaniyang anak.
Humantong din siya sa puntong gusto niyang ipalaglag ang bata sa takot sa kaniyang magulang, ngunit hindi maatim ng kaniyang konsensya ang kumitil ng buhay. Sa huli ay ipinagtapat din niya sa kaniyang mommy ang sitwasyon. Maraming tanong ang ibinato sa kaniya, ngunit lahat iyon ay nagawan niya ng paraan. She even made up stories. Pinalabas niyang bago pa siya nakidnap ay buntis na siya at hindi pinanagutan. And she started to believe her own story, but she can never escape the truth about her son’s father.
“Momma, why are you crying?”
Parang nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib dahil sa maliit na boses na iyon. Agad siyang humarap sa pinanggalingan ng boses at doon nakita niya ang kaniyang anak. Marami itong bitbit na pagkain at madungis din ang damit nito. Mukhang kumain ng ice cream.
She ran to her son and hugged him tightly. “Where did you go, baby? Alam mo bang pinakaba mo ng sobra si mommy?” Her tears won’t stop from falling.
“Did I made you cry, momma?” Her son asked innocently. “I’m sorry, momma. Please don’t cry na.”
“Don’t do it again, okay? Wag na huwag ka ng mawawala sa paningin ko.” She pat his head and he nod silently.
She can’t help but to stare at her son’s face. From the blonde hair of his son down to his emerald eyes… Napakagwapo ng kaniyang anak kahit maliit pa ito.
Pinupog niya ng halik ang kaniyang anak hanggang makarating sila sa tapat ng kaniyang sasakyan. Bago niya paandarin ang sasakyan ay humarap muna siya sa kaniyang anak na kinakain ang mga bitbit nitong pagkain kanina. Kumunot ang kaniyang noo noong mapagtantong hindi niya iyon binili.
“Where did you get that, Angelo?” She asked with her voice shaking. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang kaniyang nararamdaman.
“Daddy,” simpleng sagot ng kaniyang anak na halos magpasabog sa kaniyang dibdib.
“Daddy?” Paniniguro niya.
Tumango ang kaniyang anak. “Bigay ni Daddy.”
“Sinong Daddy, baby?”
“The man outside our house mommy. He’s always there.” Inosenteng sagot ng kaniyang anak.
“And why are you calling him Daddy?”
Ngumiti si Angelo sa kaniya. “Because he said that he’s my daddy.”
Parang sasabog ang isipan ni Isabella dahil sa mga sinabi ng kaniyang anak. She has no idea about it. Not even a little.
“And you believed a stranger, baby?”
Muli itong tumango pero kumunot ang noo at lumabi. “He’s not a stranger, mommy. He is my Daddy.” Tumigil ito sa pagsasalita at parang may inaalala. “And we both have green eyes.”
Namuo ang takot sa dibdib ni Isabella dahil sa sinabi ng anak. Agad niyang niyakap ang anak at mahimbing na sinuklay ang alon-alon nitong buhok.
“Don’t see him anymore, anak. Okay?”
Angelo puckered his small lips. “Buuuuut he’s my dad—”
“He is not your daddy. Your dad is dead.”
Pagtingin niya sa maliit na mukha ng anak ay umiiyak na ito at napapailing.
“I’m sorry, baby…” bulong na lamang niya para pagaanin ang loob ng kaniyang anak.
She can’t bear to lose Angelo... Not anymore.
*****
Isabella was walking towards her car. Marami siyang bitbit na supot. Pwede namang maids ang utusan niyang mag-grocery pero sumasakit lamang ang kaniyang ulo dahil minsan ay hindi nasusunod ang sa kaniyang listahan.
Angelo was with her mother kaya naman ay kampante ang kaniyang kalooban. Pagkatapos ng mga sinabi ni Angelo sa kaniya ay nakaramdam na siya ng takot para sa safety nila ng kaniyang anak. Minabuti niyang doon muna tumira sa kanilang mansyon, tutal mommy lang naman niya ang naroroon.
Her dad is still in jail. Non-bailable kasi ang kaso nito kaya wala silang nagawa. Noong unang beses siyang bumisita sa kaniyang Daddy ay upang ipaalam rito na buntis siya. Her dad wasn’t mad at her. At ang hindi niya maintindihan ay parang may gustong sabihin ang kaniyang Daddy sa kaniya ngunit hindi nito magawang sabihin. She didn’t mind that since her dad is always like that.
Nasa tapat na siya ng kaniyang sasakyan at pinapasok ang mga pinamili sa compartment noong bumagsak ang isang supot ng kaniyang pinamili. She cursed silently habang pinupulot ang mga pinamili.
Laking gulat niya noong may tumulong sa kaniya. A man picked up the things and he even put it inside the compartment. Hindi maintindihan ni Isabella ngunit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. She tried dating different men after giving birth to Angelo but none of them can make her heart beats faster compared to the man who kidnapped her almost 4 years ago.
Kinakabahan siya habang papalapit sa nakatalikod na lalaki. His sturdy arms made Isabella gulped. Kahit nakatalikod ito ay kitang-kita niya ang mga ugat sa kamay nito. His veins were visible and she knows that he’s a strong man.
“Thank you,” aniya.
“No problem.” He replied as he started to walk away from her.
Ilang segundo ring nabato si Isabella sa kaniyang kinatatayuan.
That voice… I can’t be wrong!
Noong matauhan ay dali-dali niyang hinagilap ang binata ngunit hindi na niya ito makita. Para siyang tangang nagpaikot-ikot sa parking area ngunit wala na talaga ito.
Napasandig siya sa pintuan ng kaniyang sasakyan dahil sa pagod. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok nito.
Kinapa niya ang kaniyang pisngi at doon lamang niya napagtantong umiiyak na naman siya.
Napailing na lamang siya at mabigat ang dibdib na pumasok sa kaniyang sasakyan.
Pagkaalis ng sasakyan ni Isabella ay siya namang paglabas ng binata mula sa kaniyang sasakyan.
“Isabella…” He whispered.












