5-Day Pleasure - Chapter 10
It’s midnight and Isabella can’t sleep. It’s been 2 weeks since the incident at the park and parking lot happened. Ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin iyon sa isipan ni Isabella.
She chose to live with her mom after that incident. Para masigurong ligtas siya at ang kaniyang anak. Araw-araw siyang nagtatanong sa anak kung nakikipagkita pa rin rito ang “daddy” na tinutukoy, ngunit hindi kumikibo ang kaniyang anak. Masama pa rin ang loob nito sa kaniya.
She sighed as she got up from her bed. Ipinatong niya ang lace na roba sa suot nitong nighties. She opened the sliding door and made her way to the terrace. Sumampa siya sa railings at pinagmasdan ang kalangitan.
It was dark, there is no trace of single star at the sky. The December breeze touched her pale skin gently. The cold wind whipped her long black hair. Her face is now covered of her hair.
Napayakap siya sa kaniyang sarili noong maramdamang para bang may nakatingin sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at nilibot ang tingin sa buong paligid.
Halos tumigil ang tibok ng kaniyang puso noong dumako ang mga mata sa isang sasakyan. Sasakyang pamilyar na pamilyar sa kaniya.
A Lamborghini, bulalas ng kaniyang isipan.
She gasped when she noticed the door at the driver’s seat opened. Nanigas ang kaniyang tuhod at nanginig ang kaniyang buong katawan noong lumabas ang lulan ng sasakyan.
The man stood proudly, not minding the shock on Isabella’s face. It was dark and he is sure she can’t see his face. He only wants to tease her, but he felt a pang of guilt deep inside his chest when he noticed how she is shaking. He is far from her, but he could tell that her lips quiver in fear.
That was a hard slap for him. Hindi niya mapigilang mainis sa sarili. The woman obviously feared him. Iyon naman ang gusto niya noon pa man. Pero iba na ngayon. Ngayong naamin na niya sa sariling may gusto siya rito. He was in denial at first, but in the end, he was defeated by the inexplicable emotion he felt towards the woman.
He wants to tell Isabella how sorry he is for everything that he have done to her, pero pinangungunahan siya ng kaniyang ego. Ilang beses na niyang tinangkang lumapit kay Isabella, pero mas nananaig ang takot sa kaniyang puso sa magiging reaksyon ni Isabella. He contented himself staring at her from afar. Lalo na noong nalaman niyang nabuntis niya ito. Hindi siya nawala sa tabi ni Isabella. He was always there, hiding from her, and making sure she won’t do anything stupid.
Noong manganak si Isabella ay naroroon din siya. Tuwing walang nagbabantay kay Isabella ay pumapasok siya sa silid nito. He was holding her hand tightly, kissed her forehead and whispered to her ears how sorry he is. Wala siyang lakas ng loob na magpakita kay Isabella at hingin ang kapatawaran nito. That’s why he ended up guarding her and their son from afar. Watching them and making sure they are always safe.
Wala siyang nagawa habang nakatitig sa takot na takot na si Isabella kundi pumasok pabalik sa kaniyang sasakyan. Umalis siyang mabigat ang pakiramdam.
*****
Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng highway at natagpuan ang kaniyang sariling bumababa sa kaniyang sasakyan. Naglakad siya at tumigil sa harapan ng isang malalim na bangin. Mataman siyang napatitig sa kalaliman ng bangin. Tiyak ay mamatay ang kahit sinong mahuhulog rito.
Umupo siya sa gilid at tumingala sa kalangitan. The darkness of the sky illuminated his deep green eyes. No emotions plastered on his eyes. Nakatulala lamang siya habang nakatingala sa langit. He used to adore darkness. He used to live in darkness. But right now, darkness felt suffocating for him. As if he was drowning and no one could save him.
And after a few minutes, a teardrop fell from his eyes. Sunod-sunod itong nagbagsakan. He supressed his emotions since the death of his sister, and now he cannot do it anymore. All the emotions that bottled up inside him for a long time, he let it go. And after a long time, he felt free. He felt at ease. The darkness that clouded his heart was gone. Para bang umaliwalas ang kaniyang mundo sa pagkakataong iyon.
He closed his eyes as he murmured, “I’m sorry, Clarisse. Your brother is an asshole.” Dumilat siya at may ngiting kumurba sa kaniyang labi. “But, I won’t be scared anymore. I will do things right this time. I hope you’re proud of your brother wherever you are.”
*****
Masakit ang ulo ni Isabella noong bumangon siya mula sa higaan. Hindi siya nakatulog nang maayos kaninang madaling araw dahil sa ginawang pagpapakita sa kaniya ng lalaking matagal na niyang pilit kinakalimutan.
Akala niya’y guni-guni lamang niyang parang may nakamasid sa kaniya, ngunit iyon pala ay talagang may nakamasid sa kaniya. Tipong para siyang binabantayan. Imbes na matuwa ay nangilabot siya. Natatakot siya sa pwedeng gawin ng lalaki sa kaniya pagnagkataon. What if he tries to kidnap her again? Paano na lamang ang kaniyang anak?
Ngunit hipokrita siya kung hindi niya aaminin sa kaniyang sarili na bukod sa takot ay may kakaiba pa siyang naramdaman noong makita ang lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang init na dumaloy sa kaniyang buong katawan habang titig na titig sa direksyon ng lalaki.
Madilim sa parteng kinatatayuan ng lalaki kanina kaya hindi niya matanaw ang mukha nito. Ngunit hindi maipagkakaila sa tindig nito kung gaano siya kagandang lalaki. Isabella sighed. Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? Ang lalaking kumuha ng kaniyang puri. Ang lalaking dumungis sa kaniyang pagkatao. Ang lalaking nagparamdam sa kaniyang hindi na siya karapat-dapat mahalin dahil para sa kaniya’y isa na siyang basura. At higit sa lahat, ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso at ama ng kaniyang anak.
Ipinikit niya ang kaniyang mata kasabay niyon ang paghugot nang malalim na buntong hininga.
Gusto niyang mawala sa isipan ang lalaking ‘yon, pero sino ba ang niloloko niya? The man gave her a souvenir. A souvenir that took away all her fears and made her alive once again. Angelo.
Akmang pupuntahan niya ang anak sa kwarto nito ngunit hindi niya iyon natuloy. Humarap siya isang full length mirror at tinanggal ang suot na nighties. Bumagsak ito sa sahig.
Isabella brought her hands to her chest, she felt it and traced the tattoo etched under her bosom using her fingertip.
“Sino ka ba talaga?” wala sa sariling bigkas niya habang titig na titig sa tattoo na nakaukit sa kaniyang dibdib. “Why me?”
Pumatak ang kaniyang luha habang bumabalik sa isipan ang mga nangyari sa kaniya sa cabin na iyon. Kung tutuusin ay bangungot iyon, pero hindi niya lubusang masabing bangungot nga iyon lalo pa’t nagpadala rin siya sa bugso ng kaniyang damdamin.
Tuwing tumitingin siya sa salamin ay hiyang-hiya siya sa kaniyang sarili. She did some nasty things way back in the cabin just to get out of that place. Iyon ang pilit niyang isinisiksik sa kaniyang isipan. Ginawa lamang niya ang mga kagustuhan ng lalaki para makaalis sa lugar na iyon. Pero may isang bahagi ng kaniyang isipan ang sumisigaw na ginawa niya ang mg bagay na iyon dahil iyon ang gusto ng kaniyang katawan at hanggang ngayon ay hindi niya iyon matanggap. She’s ashamed to entertain that thought. She’s scared that a part of her really did those things because she wanted it…
1 month later…
“Angelo, stop running,” suway ni Isabella habang hinahabol ang anak na bigla na lamang nagtatakbo.
Hindi siya makagalaw nang maayos dahil sa suot nitong kulay pulang cocktail dress. Off-shoulder ang damit at hanggang tuhod lamang niya ito. Idagag pa ang suot niyang kulay pulang wedge ay disaster talaga para sa kaniya ang ginagawang pagtakbo ng anak.
Dumalo siya sa isang business party bilang representative ng kaniyang mommy na ngayo’y nasa Europe at namamahala ng kanilang isang resort na naroroon. It’s actually a bad news for her family. Simula noong makulong ang kaniyang ama ay unti-unting nagpu-pull out ang kanilang mga investors sa kanilang kompanya. She can’t do anything about it since she’s not a business student. Ang tanging namamahala roon ay ang kaniyang Tita na kapatid ng kaniyang Daddy, ang kaniyang mommy at ang abogado ng kaniyang Dad. Wala siyang ibang nagawa noong humingi ng pabor ang kaniyang mommy sa kaniya. Pumayag na lamang siya tutal matagal na rin siyang hindi nakakapunta sa mga business party na katulad nito.
Kasama ni Isabella sa dumalo ang kaniyang Tita Marga, kapatid ng kaniyang Daddy. Ang sabi ng kaniyang mommy at Tita ay opportunity din ang mga ganitong event para makakilala ng mga prospective investors. Gustong makatulong ni Isabella kahit paano kaya ngayon ay naririto siya at hinihingal habang hinahabol ang kaniyang napakakulit na anak.
Tumigil si Angelo sa pagtakbo at noong bumaling ang maamong mukha nito kay Isabella ay parang nilamukos ang puso niya. Umiiyak ito at para bang litong-lito.
Dali-dali siyang tumakbo sa anak at niyakap ito.
“What’s wrong, baby?” Pag-aalo niya sa kaniyang anak.
“I-I saw Daddy.” Ngumuso ito at mas lalong umiyak.
Kinabahan man ay walang nagawa si Isabella kundi yakapin ang kaniyang anak. Kasabay niyon ang paglibot ng kaniyang tingin sa direksyong tinakbuhan ni Angelo kanina. Wala siyang nakita pero kahit ganoon ay hindi pa rin humuhupa ang takot at kaba sa kaniyang puso. Paano nga kung tama ang kaniyang anak? Paano nga kung nandito ang lalaking iyon?
Noong tumahan ang kaniyang anak ay bumalik sila sa table na nakalaan para sa kanila. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng kaniyang anak kahit siya mismo ay nanginginig dulot ng kabang nararamdaman.
Namatay ang mga ilaw sa paligid at napalitan iyon ng dim lights. It was still dark but thanks to the dim lights may naaninag pa naman si Isabella kahit paano.
Gusto sana niyang hanapin ang kaniyang Tita Marga ngunit nanatili na lamang siya sa kaniyang upuan habang hawak-hawak ang kamay ng anak. Noong dumating sila rito ay ipinakilala siya ng kaniyang Tita sa lahat ng nakasalubong nila. Pagkatapos silang igiya ng kaniyang Tita sa mesang nakalaan para sa kanila ay nagpaalam ito upang kumausap sa mga bisitang naririto.
May babaeng nagsasalita sa stage at kasunod nito ay ang pag-akyat ng isang lalaki sa gitna ng stage. He’s wearing an expensive three-piece suit. His blonde hair is glistening because of the dim lights. Napuno ng palakpakan ang buong function hall noong magsimula itong magsalita sa gitna. Napako lamang ang tingin ni Isabella sa binata hanggang sa matapos itong magsalita. Malayo sila sa stage kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Ngunit sapat na ang boses ng lalaki upang magtayuan ang mga balahibo niya sa kaniyang katawan. Malakas naman ang aircon ngunit tagaktak pa rin ang pawis ni Isabella lalo na sa kaniyang noo.
“Dy…” rinig niyang bulong ng kaniyang anak dahilan para tuluyang manlamig ang kaniyang buong katawan. “Daddy.”
Napasinghap si Isabella noong mapagtantong nakatingin sa kanilang direksyon ang binata. Nanuyo ang kaniyang lalamunan kaya walang ano-ano’y inubos niya ang laman ng wine glass na nakalaan para sa kaniya. Gumuhit ang init niyon sa kaniyang lalamunan ngunit hindi ito sapat upang kumalma siya.
Naramdaman niyang may umupo sa kaniyang tabi at salamat sa dim lights, napagtanto niyang ang Tita Marga niya ito. Binaling niya ang tingin sa kaniyang Tita na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa lalaking nagsasalita sa gitna ng stage.
“He’s a good man,” sambit ng kaniyang Tita bago tumingin sa kaniya. Hindi niya alam kung tatango ba siya o iiling. Sa kalaunan ay ngumiti na lamang siya. “He wants to help your Dad’s company, Isabella. He wants to meet you, too.”
Nablangko ang isipan ni Isabella sa mga narinig. Pinaghalong kaba, takot, galit at may konting saya ang naramdaman niya. Hindi alam ng kaniyang Tita na ang lalaking gustong tumulong sa kanila ay ang lalaking naging dahilan rin ng paghihirap nila.
“What do you think about him?” tanong pa ng kaniyang Tita Marga.
Sa pagkakataong iyon ay gustong-gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Hindi na kakayanin ng kaniyang puso. Para na itong sasabog sa pinaghalo-halong emosyon. Gustong-gusto ng pumatak ng kaniyang mga luha, ngunit ayaw din naman niyang mag-alala ang kaniyang Tita at magtanog ang kaniyang anak.
“I-I need to go to the powder room, po. Please, pakibantayan muna si Angelo. Don’t let anyone near my son, Tita.” Nagulat ang kaniyang Tita sa sinabi nito ngunit tumango pa rin ito.
Nangangapa man dahil sa madilim na paligid ay natunton pa rin ni Isabella ang powder room. Agad siyang pumasok sa isang cubicle at doon pinakawalan ang impit na iyak. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at marahan itong pinagsusuntok, nagbabakasakaling mawala ang sakit na nararamdaman niya. Mahina rin niyang binabangga ang kaniyang ulo sa tiles na dingding ng banyo dahil akala niya’y makakalimutan niya ang mga natuklasan ngayong gabi, ngunit bigo siya. Sumakit lamang ang kaniyang ulo at nakaramdam siya ng kaunting hilo.
Ilang minuto rin siya sa ganoong sitwasyon noong mahimasmasan siya. Kailangan niyang balikan si Angelo. Kailangan nilang lumayo ng kaniyang anak sa lugar na ito. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang pagtitig ng lalaki sa kaniyang anak. Kahit malayo ay kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kaniyang anak. Kinilabutan siya sa isipang baka kunin sa kaniya ng lalaki ang kaniyang anak.
Inayos niya ang kaniyang sarili at nag-apply ulit ng panibagong make-up para hindi siya magmukhang basahan.
Hawak pa lamang niya ang doorknob ngunit bigla na lamang may pumihit nito sa labas. Napaatras siya at hinintay na makapasok ng tuluyan ang taong bumukas nito.
Ngunit laking gulat niya na hindi babae ang pumasok mula rito. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakaawang ang labi. Naglakad ang lalaki palapit sa kaniya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang igalaw ang kamay at sampalin ang lalaking ngayo’y nasa harapan na niya ngunit ang tanging nagawa niya’y mapatitig sa kulay berde nitong mga mata. Same eyes with her son.
Ang kulay blonde nitong buhok ay umaalon habang naglalakad ito kanina. Ang kamay nito ay nasa bulsa ng suot na pants. Mapupula ang mga labi nito na bumagay sa kaniyang matangos na ilong. Makapal ang kilay nito at napasinghap si Isabella noong mapansin ang maliit na guhit sa tabi ng kilay ng lalaki. A scar.
Paulit-ulit na napasinghap si Isabella. She needs to breathe, dahil pakiramddam niya’y tinakasan na ng dugo ang kaniyang buong katawan na nahihirapan siya sa paghinga.
Hindi man niya maamin sa sarili, ngunit sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao ay gustong-gusto niyang makita ang mukha ng lalaking paulit-ulit na kumuha sa kaniyang pagkababae. Marami siyang gustong gawin sa lalaki kapag nakita na niya ito. Isa roon ay ang sampalin ito ng paulit-ulit dahil sa mga pinanggagawa nito sa kaniya noon, ngunit sa pagkakataong ito’y naestatwa lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi makaapuhap ng salita at titig na titig lamang sa mukha ng lalaking minsang nagpahirap sa kaniya…
The upper lip of the man curved, until it formed into a smirk. No one will say that behind this man’s perfection, lies a monster. A monster that made Isabella ashamed of herself. A monster that tortured her sexually. And a monster who gave her a precious angel. Angelo.
“I…I-It’s you.” Nanginginig ang mga labi ni Isabella habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at napaatras siya ng tuluyan at napasandig sa malamig na tiles.
Nawala ang ngisi sa labi ng lalaki. Napalitan iyon ng isang ngiti habang titig na titig kay Isabella.
“We meet again, Luv.” He cooed as he closed the gap between them.
Gustuhin mang umatras ni Isabella ay hindi na niya magawa. Nakakulong na siya sa mga bisig ng lalaki. Sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso na halos lumuwa na ito sa kaniyang dibdib. Nag-angat siya ng tingin at saktong nagtama ang kanilang tingin.
She flinched when she felt his hand on her chin. Para siyang kinuryente sa dulot nitong init sa kaniyang balat.
“I will make things right this time, Isabella.” He said with so much passion and sincerity.
Natatakot pa rin si Isabella sa kaniya ngunit unti-unting kumalma ang kaniyang katawan.
Nanginginig pa rin ang kaniyang labi noong magalita siya, “Please, don’t hurt me.”
Nanlambot ang lalaki sa salitang binitiwan ni Isabella. Hanggang ngayon ay takot pa rin ito sa kaniya at walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya. He succeeded in making Isabella scared of him.
“I won’t, luv. I won’t hurt you.” He whispered beside her ears.
Hindi pa rin nawawala ang takot ni Isabella kahit ramdam niyang sincere ang lalaki sa mga sinabi nito.
Umiling siya at yumuko. “Please, let go. I need to go back there.”
Gustong magmura ni Isabella. Gusto niyang ilabas ang lahat ng tinatagong hinanakit niya sa lalaki. Gustong-gusto niyang itanong dito kung bakit nito ginawa ang mga bagay na iyon sa kaniya, ngunit nanaig ang kaniyang takot.
Iniangat ng binata ang mukha ni Isabella. Naroroon pa rin ang takot sa mga mata ni Isabella kaya naman ay napahaplos na lamang ang lalaki sa pisngi ng babae.
“Not until I do this.”
Naramdaman ni Isabella ang pagdampi ng malambot na bagay sa kaniyang labi at alam na alam niya kung ano ito. The same feeling she felt back then when she was still in the cabin.
His kisses are intoxicating, it made Isabella weak. Pumulupot ang kamay ng lalaki sa bewang ni Isabella, at kahit alam niyang mali ay ipinulupot din niya ang kaniyang braso sa leeg ng lalaki. Natagpuan niya ang sariling tumutugon sa bawat halik nito at nawalan siya ng lakas upang manlaban o pigilan man lang ang lalaki dahil ito ang mismong dinidikta ng kaniyang puso. She wants it. She longs for it. Deep inside her, she wishes that this day will happen.
“I’m sorry, Isabella.” The man whispered between their kiss. “I will do everything to earn your forgiveness.”
And a tear fell from her cheeks when she heard those words. Those words she wants to hear for a long time from him. Finally, she heard it.
















