Minsan May Isang Puta
Nagtirik ako ng kandila sa may parokya bago umuwi; Patay na ang iba ngunit nagawa kong sindihan muli. Hindi lahat, ngunit tatlo; Nang ako’y nakauwi, tsaka ko napagtanto: Maaring simbolo ito ng pagmamahal ko sa’yo. Mahal kita ngunit ako’y iyong binalewala na; Ang sabi pa’y tulad din ako noong una. Inosente, ngunit binigyan mo ng malisya; Minsan may isang puta. Pero mahal ko, nagkakamali ka.














