Isang Taon
Isang taon na..
Isang taon simula ng nawala ka
Isang taon na nung mas pinili mo siya
Isang taon nung iniwan mo akong mag-isa..
Ang bilis, parang kahapon lang
Ramdam ko pa din kapag binabalikan..
Lahat ng sakit, lahat ng pait.
Lahat ng panahong ayoko ng maulit.
Pero minsan di talaga maiiwasan,
May mga alaala biglang papasok na lang,
Mula sa kung saan hindi ko malaman
Kahit pigilan, luha’y tutulo na lang.
Isang taon ng pagkawalay sayo,
Isang taon na walang IKAW at AKO
Pero bakit ba? Bakit ganito?
Hanggang ngayon wala pa din pumapalit sayo.













