CPA2015
Today is the first day of the 4 weekend CPA Board Exam 2015. My ate’s and kuya’s are currently taking now the most significant exam of there life.
Lahat ng pinag-aralan sa 4 years in College at sa 6 na buwan na review sa mga review centers, lahat ng pagod, lahat ng eyebags na naipon, mga kapeng nilaklak, mga cornicks na ninamnam para lang maihanda ang sarili sa araw na to. Saludong - saludo ako sa inyong lahat! Tigilan na ang pag worry na baka di nyo masagutan ang mga tanong, tandaan lang, walang problema na walang sagot. Pag iniisip mo na hindi mo alam ang sagot, isipin mo, bibigyan ba tayo ni Lord ng tanong na di natin kayang sagutan? Kaya natin yan! Napag-aralan mo na yan. Wag kang mawalan ng tiwala sa sarili mo at syempre wag na wag kang mawalan ng tiwala sa Ama. Siya na tagapag ingat mo at tagagabay mo. Dinala ka nya sa exam room na yan dahil alam nyang kaya mo. Dahil nan dyan sya sa tabi mo.
My prayers are all to you, even though I don’t know everyone personally. Godbless you all and claim that licence. All glory be unto God!










