Kahapon may lanterns, Free lanterns actually. (Dahil Centennial ng ADZU) Ang saya ng experience, kasama ko si Xandy, Fatiya, Joyce, Mud at Kz nun. Lahat ng pwedeng hilingin, hiniling namin. Simple lang naman yun wish ko, yun ay makagraduate ako ng Bio in 4 years time, makapagmed school after at maging Doctor. Pero hindi ko itatanggi na nagwish ako ng PERA (Hahaha), ng Lovelife, Hapiness at Syempre Health. Sana naman matupad lahat 'to. Kahit later na yung Pera, Lovelife. Wala lang. Basta, masaya yung feeling na lumipad yung lantern namin kasi halos masunog ako sa pagaayos ng Wax. Memories, :)












