Dear Panda,
Hayaan niyo muna akong magdrama. Feeling ko ang laki ng atraso ko sa'yo kahit maliit na bagay lang ang dahilan kaya tayo nagaway nung linggo. Hindi talaga kita matiis ehh. Miss na miss na talaga kita. Ilang araw na tayong hindi nagtetext at tumatawag sa isa't isa. Nakakapanibago lang. Pero, kahit ganun pa man, mahal na mahal talaga kita. Hindi mataas ang pride ko. Manghihingi pa rin ako ng dispensa sa'yo. Puntahan kita bukas sa school mo. Susunduin kita for you to explain everything and to show you kung gaano ako ka-sincere sa apology na ibibigay ko sa'yo. I really miss you so much. I love you Panda ko. Kahit anong mangyari, pupuntahan kita bukas. Nagiging buo ang isang linggo ko kapag nakikita kita tuwing Miyerkules. Alam ko sira ang laptop mo, pero sana mabasa mo ito agad. Mahal kita, Panda ko.
Nagmamahal, Panda Aps.














