Gusto ko ako lang ang babaeng nagpapakilig sa’yo sa tuwing nagsasabi ako ng mga salitang ikinakikilig mo kahit lalaki ka pa. Gusto ko ako lang ‘yung babaeng makikita mo, mapapangiti ka na. Gusto ko marinig mo pa lang boses ko sobra ka ng natutuwa. Gusto ko ako lang ‘yung babaeng kinaiinisan mo ‘pag hindi ako nagrereply agad agad sa mga text mo. Gusto ko ako lang ‘yung babaeng nagpapangiti sa bawat araw mo. Kahit may mga problema ka, gusto ko nandyan lang ako sa tabi mo. Yayakapin kita ng mahigpit at ichecheer-up kita hanggang sa maging okay ka na. Hinding-hindi kita iiwan. Gusto ko ako ‘yung babaeng iiyakan mo ‘pag nawala ako. Gusto ko ako ‘yung babaeng hindi mo kayang iwan at saktan. Gusto ko ako ‘yung babaeng hindi mo kayang tignan na umiiyak. Gusto ko ako ‘yung babaeng pinapangarap mo. Gusto ko ako ‘yung babaeng papakasalan mo at magiging ina sa mga anak mo. Gusto ko ako ‘yung makakasama mo habang buhay. Gusto ko ako lang nagmamay-ari sa puso mo. Gusto ko ako lang sapat na sa’yo. Gusto ko ako lang ang mamahalin mo.