365 Days Challenge: Day 6
Something you would like to change about yourself.
So dahil january 6 na, ngayon ku pa lang siya sisimulan dahil kanina ko lng siya nakita kaya mag start na ako sa Day 6 ng challenge para eksato sa date. :p
If I where given a chance na may baguhin sa sarili ko siguro yun ung Pagiging Magastos and Negative minded.
Napansin ko lng lately na parang ang bilis lng ng pera ko sa wallet yung parang magkalaman lng ng onti eh nangangati na yung kamay at gusto ko na siyang gastusin. Sometimes kasi hindi ko siya mapigilan dahil tao rin ako may gustong bagay na bilihin at magkagastusan, sabi nga sakin ng mama ko masyado na raw ako magastos ngayon porket hindi niya hawak ang gastos ng aking dalawang nakatatandang kapatid eh dahil may trabaho eh sobra sobra naman na daw ata ako. Madalas napupunta yung pera ko sa damit, tpos sa luho then sa inom. Siguro sa pagkakataong ito kailangan ko na mag ipon at mag ipon para pag may medyo malaki laking gastusin hindi ako mahihirapan.
Negative Minded dahil minsan mas iniisip ko pa yung negative side ng isang bagay at hindi yung maganda side nito. Minsan din madali akong maapektuhan ng negative side kaya yun agad ung pumapasok sa isip ko. Pero kasi minsan parang mas mabuti pang walang gawin kesa naman mali o palpak, diba? nega agad ako.
Try ko baguhin ang mga ito dahil para saakin din naman to eh :))