My idea of a perfect date 101
A Long drive without destination.
seen from United States
seen from France

seen from Netherlands

seen from United States

seen from Russia
seen from United States

seen from Singapore
seen from United States

seen from France
seen from Brazil

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Argentina

seen from United States
seen from United States

seen from Chile
seen from United Kingdom
seen from Yemen

seen from Chile

seen from United States
My idea of a perfect date 101
A Long drive without destination.
Style ng panliligaw
sabi nila importante daw ang panliligaw o yung courtship na sinasabi. Doon daw kasi nage- get to know ang isang babae at lalake o 2 babae o 2 lalake. Dito din malalaman ng nililigawan kung dapat nga ba niyang bigyan ng matamis na oo ang nanliligaw sa kanya. Dito din sila minsan nagkaka developan.
Base sa aking karanasan, nalaman ko na ang ilan sa mga STYLE NG PANLILIGAW. At eto ang aking topic for this day.
Style #1: Romantiko style
-Isa itong style na minana pa natin sa ating mga ninuno. Eto yung pupunta ang lalake sa bahay ng babae kasama ang barkada at saka manghaharana. Yung iba naman ay solo mode lang. Kakanta siya ng mga kundiman o kaya kung gusto niya ay rock na kanta (pero wala pa akong kilalang hinaharana ng rock). Siguro eto na din ang kanilang magiging theme song pag nagkatuluyan sila.
-May bouquet pang kasama, either inorder sa mamahaling flowershop o pinitas sa kung saan, madami kasi sa mga babae ang may gusto ng flowers.
-Tapos sasabihan ka ng matatamis na salita tulad ng, "Ang mga mata mo ay sing ning ning ng mga bituin sa langit".
-Medyo effective 'to kung conservative ang isang babae.
Style #2: Bulok style
-Sa sitwasyong ito, eto yung mangaasar pa ang lalake para lang mapansin, pangaasar na tulad ng: babatuhin ka ng bolang papel na pag tumama sayo ay pagkasakit, pero dahil masakit nga ay maaasar ka lang at ibabato mo uli sa kanya yung papel. Tapos bigla siyang lalapit na "basahin mo kaya." Parang tanga lang eh no! Kailangan pang mag bato! Hmp!
-Gagayumahin ng lalake ang isang babae. Hihingi ng tulong sa kaibigang albularyo. Kabulok talaga!
-Gagawin ng lalake ang mga bagay na ikagagalit ng babae para lamang mapansin, nice magkakadevelopan nga sila sa ganoong paraan.
Style #3: Text mate
-Sesendan ka ng higit pa sa 20 na love quotes sa isang araw. Bawat limang minuto kahit walang pang reply ang babae magse- send pa din siya ng magse- send. "Kumain na u?" o "miss u na" o "tc u olways coz i care" o "ano gawa u? gus2 n kta mkta" o "txt txt tau"
-Madalas itong ginagamit ng mga torpe o yung tipong di makapag salita pag nandyan na nag gurl sa harap nila.
Style #4: Suave Style
-Eto ang panliligaw na masyadong mabilis. Mabilis na panliligaw na malalaman mo na lang ay kayo na pala.
-Para sa akin, okay lang naman 'to, pero advice sa mga gurls, be aware. Eto kasi ang mga lalakeng sanay na manligaw at madalas ay iba ang intention.
Style #5: More on Action Style
-Eto naman yung style na akala mo pumupunta punta lang sa bahay niyo, akala mo mabait lang talaga siya dahil sa mga pinapakita niya sayo, dahil di siya nagsasalita ng tunay niyang nararandaman. Malalaman mo na lang, ginagawa niya yun dahil gusto ka niya. Eto ang mga tipo ng manliligaw na more in doing kaysa sa salita.
-Eto ang isa sa paborito ko dahil sa totoo lang ayoko ng madaming satsat. Gusto mo ko, ipakita mo! O di ba?
Well, ilan lang yang sa mga naranasan ko. Pero eto ang conclusion, kapag kayo na dapat tuloy tuloy pa din ang panliligaw ha! Kasi ang panliligaw ay parang pinapakita din ng lalake sa babae ang gagawin niya pag sakaling sila na. Di ba?
NORMAL LANG BA SA MGA LALAKI ANG MANLOKO NG MGA BABAE?
ROSELYN
KINABUKASAN PAG TAPOS NG BREAK-UP
• Titignan mo ang cellphone mo. Wala na ang text niya.
• Babasahin mo ang mga huling mensahe niya sayo.
• Umpisa palang ng araw parang ayaw mo nang tumayo sa kinahihigaan mo.
• Wala nang magsasabi sayo na kumain ka na.
• Wala nang magagalit sayo kapag humindi ka.
• Ang tahimik ng paligid.
• Titignan mo ang picture frame mo. Kayong dalawa ang nakalagay.
• Hahalikan mo ang litrato niya. Hindi ka handa sa nangyari.
• Medyo maluluha ka. Dahil hindi mo pa talaga tanggap. Naalala mong nadala ka lang ng iyong galit. Kaya nangyari iyon.
• Hiniling mo na sana bumalik ang oras na tinaasan mo ang iyong pride.
• Hiniling mo na sana lumaban pa siya. Para hanggang ngayon kayo paring dalawa.
• Susubukan mong i miscall ang phone niya. Kapag nag ring ibababa mo agad.
• Nag paparinig ka sa GM. Pero sa kanya mo lang talaga i sesend.
• Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Hindi ka makakain.
• Ang lungkot ng paligid. Walang sensyales na magiging masaya ka.
• Daig mo pa ang may hangover sa lahat ng bagay.
• Lahat ng Love songs na nakakalungkot. Nakakarelate ka na.
.Pero kapag dumating yung time na tanggap mo na lahat ng nangyari sainyo, na hindi na muli magiging kayo.. isang araw ipagpapasalamat mo na kahit hindi pala siya ang nkalaan sayo, atleast naging parte siya ng buhay mo. Kahit na nagkasakitan pa kayo:)