emotions undefined | something happened
I don't understand what I am feeling today--what I am feeling this week rather.
Alam ko naman 'yung cause pero hindi ko talaga madescribe 'yung pakiramdam. Gusto ko lang mag-detach sa lahat ng bagay ngayon.
These days were just some times that I didn't feel great. Not sad, not happy either but something in between those. There's angst, rage, loneliness, heartbreak, and many more na parang salad na pinaghalo-halo at hindi maintindihan ang lasa.
Share ko lang. I am a person who has attachments to things close to me. As in sobrang lalim na attachment.
Binenta ng tatay ko 'yung kalabaw na inaalagaan ko for the past six years. Eversince na pinanganak yon eh ako na ang nag-aalaga at ako pa nga ang nagpangalan. High school pa lang ako, inaalagaan ko na isya. Pinapastol sa magandang sabsaban at pinapainom ng tubig tuwing hapon. That was my routine for the past six years kaya masisisi mo ba ako kung may attachment ako sa alaga ko. Hindi ko naman kasi tinuturing na pagkakakitaan yung mga hayop although yun yong primary purpose nila kung bakit kami nag-aalaga. Kaya everytime na nagbebenta kami ng hayop, I feel like we betrayed them and we failed as humans. Kasi alam naman natin kung saan sila dadalhin ng mga bumibili sa kanila, for sure ay kakatayin lang sila at magiging lamang-sikmura. That's a sad reality.
Kaya nang makita kong nakasakay na sa sasakyan ng bumili yung kalabaw ko, I don't know what to feel. THAT'S SIX FUCKING YEARS na kasama ako nung kalabaw na 'yon. Buti sana kung may short term memory sila e alam nga nila kung paano umuwi ng bahay at kung saan dapat uminom. Kapag hindi maganda yung tubig, mag-iinarte pa. Kaya I wonder if they feel betrayed with we did to these animals na inalagaan namin. It definitely depressing to think that they end up that way kapalit ng perang hindi naman kalakihan.
Kaya minsan, kapag kakain ako ng karne, napapaisip din ako kung maraming memories yung karneng yon sa nag-alaga sa kanya. Lalo na kapag karneng baka, sobrang tagal nilang palakihin organically, it will take a farmer at least more than a year to raise a cattle kaya naman mahigit isang taong alaala rin siguro yung kinakain ko. How much more kung ang tinitinda sa palengke e yung mga limang taon o mahigit na. Kaya siguro minsan matagal din sila palambutin kasi hindi lang dahil sa may edad na sila but because they also lived long enough to create long memories.
Alam ko namang importante sa bukid yung paggagamitan ng tatay ko sa pinagbentahan niya, hopefully mas maging productive at maraming kita ang maibalik no'n para naman sulit 'yung araw-araw kong pagpapastol ng kalabaw na 'yon. No'ng isang araw ko lang din siya binigyan ng extra time kasi mahilig siya magpakamot at magpatanggal ng garapata. Kaya sobrang nakakalungkot na mawawala na sa sistema ko ang pagpastol sa kanya simula ngayon.
Paalam, Di. Mahal kita.










