gratitude and contentment
I had my first major hike this yeaaar! Pambawi lang sa mga desisyon ko these past few days and sa pressure na baka wala akong trabaho for the rest of the year.
Umakyat ako sa Mt. Malindig - Makulilis Peak kahapon. I woke up early with just 2 hrs and 16 minutes of sleep kasi mas pinili kong tapusin yung pinapanood kong anime (Agents of the Four Seasons - Spring) hanggang alas-dose tapos ang call time ng hike ay alas-kwatro.
This is not the usual me kasi hindi naman talaga ako morning person but I just did. No ifs, no buts, just go. At 5:30 AM, start na ng hiking sa trail, baon ang halos dalawang litrong tubig, dalawang sky flakes, at dalawang monay na pinalamanan ng peanut butter.
Medyo natawa pa nga ako sa sarili ko kasi who would've thought na kaya ko palang gumising nang maaga para makapag-hike. Ito rin yung palagi kong mantra sa tuwing gusto kong i-sabotage ang plano ko. But I become unwavered. Tuloy kasi ayaw ko na pagsisihan kung hindi ko na naman gagawin. Kahit mahirap.
In 3 hours, akala ko nareach ko na yung peak kasi nakikita ko na yung mga malalaking bato na matatag at matikas na nakatayo sa harap ko na para bang binabati nila ako at lahat ng kasama kong nakarating sa harap nila. Pero hindi pa, may itataas pa pala yung trail. Gate pa lang pala siya ng bundok haha. Imagine the disappointment I have noong nalaman kong may itataas pa pala yung bundok na ito.
Balot na balot na kami ng fog, sobrang lakas na ng hangin at maya-maya pa, bigla-bigla na lang bumuhos ang ulan at tuluyan kaming binagyo HAHAHA. Peak experience siya kasi kung kailan hindi ako nagdala ng payong, doon umulan ng sobrang lakas na sinabayan pa ng pagkalakas-lakas na hangin. Basang-basa ako. Dasal na lang na sana pagkababa ko ay hindi ako lagnatin sa experience na ito kasi may pasok na ako sa Lunes. Sabi nila, kapag bago ka raw sa isang lugar at umulan, ang ibig sabihin no'n ay winewelcome ka ng lugar na 'yon. Salamat sa blessing.
After the rain, diretso akyat at habang inaakyat ko ang bundok, patuloy ko ring tinatanong sa sarili ko kung hanggang saan ba talaga itong bundok na 'to. Peak na ba? Ba't pataas pa rin siya? HAHAHAHA
Buti na lamang at sinalubong ako ng napakagarang species ng mga halaman sa trail: pitcher plant, malalaking ferns, at yung kapa-kapa na nasa sampung piso.
Mga 10 minutes ko pa rin yata dire-diretsong inakyat yung trail hanggang sa finally, narating ko na 'yung peak. Ang guess what? Yung peak na ineexpect mo, malayo sa peak na nakita mo. At oo, napasabi na lang ako na "ito na 'yon?" HAHAHA sobrang weird kasi na-disappoint pa ako. Akala ko kasi majestic yung view, makikita mo lahat ng nasa ibaba, saka ang malawak na dagat. Pero wala niyan lahat sa peak kasi puro ulap. You can even touch the clouds there.
Kaya napag-isip-isip ko, anong lesson ng pag-akyat kong ito? Ang isa kasi sa mga dahilan ko kung bakit ko ito inakyat ay dahil naniniwala akong maraming magagandang bagay ang darating sa akin. Na kapag nasa mas mataas na lugar ka, mas mabilis umabot sa langit ang mga dasal mo. So yeah, I prayed for things up there.
Pero ano nga bang lesson? Naalala ko pagkababa namin, tinanong ako ng mga estudyante ko kung anong lesson sa pag-akyat namin maliban sa sobrang nakakapagod at sobrang sakit sa katawan ang inabot namin haha. Ang reply ko, wala, walang lesson, pero sa totoo lang, sa palagay ko noong oras na 'yon, sobrang walang kwenta naman ng sagot mo. Pero buti na lang at hindi ko rin sinabi sa kanila yung totoong naisip ko.
Na kahit pa sobra-sobra ang pagod at hirap mo, 'pag naabot mo na ang isang lugar, hindi ka masasatisfy.
That's my initial thought after the hike. But I woke up this morning thanking myself kasi buti na lang hindi ko sinabi 'yon.
Narealize ko na, life is just like that. It will ask you to be strong and continue to move forward and once you reached finished line, congrats, but life will still go through. Hindi pa tapos ang istorya.
Naiconnect ko yung pagdating ko sa peak noong naka-graduate ako sa college. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko as a student tapos napa-"yun na yon?" ako after ko makapag-martsa sa graduation.
Ang totoong lesson pala rito ay:
Be grateful. Kasi nakaya mo despite the hardships, the difficulty of the trail, and despite not getting what you expected.
Pause. Breathe. Thank God.
Salamat sa Diyos kasi may lakas tayo na gawin at i-accomplish ang mga bagay-bagay. And that's the beauty of simple things. It will not stand out, not what you expects, but it's there, you achieved it.
Sana na-gets mo yung point ko haha.
Siguro ang gusto ko lang sabihin is:
You still have to thank God for his ways. Be grateful in all situations, the good, the bad, the hardest, the worst.
Thank yourself for achieving something only few people have.
Thank yourself for choosing to exist even on a very normal day.
And do not worry about anything.
So 'yon lang. I am grateful that I have experienced this hike kahit na 8 out of 10 ang difficulty ng hike na first time ko. At leats wala akong what-ifs. At least hindi na ako nagsisi na sumama at gumastos ako for this experience. Mas maraming magagandang bagay ang kailanganng mapansin.
I remember breaking down on a Tuesday night and asking God what should I do nang i-message ako ng estudyante ko at ayaing maghike on that very moment. Kinabukasan, naabisuhang may available load sa college at pwede nang pumasok by Monday. Saturday, hike na.
You just really have to ask God and let him see what truly is in your heart.
Allow yourself to tell you that better things will come. Just wait and be grateful.
Salamat sa bundok na naaakyat, sa lakas ng katawan, at sa mga panalanging naabot at nasasagot hindi man sa paraang ine-expect natin pero sa paraang mas makakabuti sa atin.
Para sa mas maraming bagay!
Live the life you wanted to remember,