Idlip
Ititipa sa hawak na kuwaderno
Sigaw ng nasa puso
Kaharap ang munting bubuyog
Ngayo'y mahimbing ang tulog
Sa ilalim ng matarik na bubong
Guhit at talis ng ilong
Binabaling sa iba ang mga mata
Dahil baka'y magising sa bulong ng mahika
Nasasabik ako ulit
Na mahagkan muli nang mahigpit
Ang hibla ng buhok
Dilag na handang sumubok













