KABANATA 1: Hiraya
Isang sinaunang salita na maaaring nakalimutan na ng iilan, ngunit ito ay hindi mawawala sa isang indibidwal. Lahat tayo ay may pangarap. Lahat tayo ay may hiraya. Maaring ang iilan ay nasa proseso pa ng pagkatuto, ang iba ay naabot na ang kanilang pangarap, at mayroon ding hindi nakamit ang gusto nila sa buhay. Bawat tao ay may pangarap, mithiin sa buhay, at imahinasyon sa pag-likha. May mga hindi pa ito nakikita dahil natatabunan sila ng dilim ng problema, pero darating ang panahon na ito ay kanilang matatanaw. Hindi masama ang mangarap sabi nga nila. Basta't hindi ka nakakatapak ng ibang tao, ay "okay" lang. Kaya't patuloy na mangarap, at mahalin ang iyong hiraya.
















