Liwanag sa Paskong Madilim
Mga nagdaang gabing napakadilim, Habang ika'y nag-iisip nang malalim. Nagtatanong kung paano, kailan, saan at maraming bakit, Bakit ako? Bakit sila? Bakit kami? Bakit ansakit-ansakit? Maraming gabi na ayaw mong umuwi sa bahay, Bukod sa walang bigas o kanin sa lipas na laway, Ay wala si nanay at si tatay sa inyong tahanan— Wala kang ilaw at haligi na daratnan. Tumatanglaw sa'yo ay puro na lang kabigatan, Pasanin, depresyon, mga alalahanin-- Na lilipas ang Pasko na walang parol na nakasabit, At pamilyang magkakasama sanang kumakain ng niluto ni Lola na pansit. Ni sa bintana ninyo’y ayaw mo ng sumilip, Sa mga kapitbahay ay may kumukutikutitap. May bibingka at puto-bungbong na napakasarap! May family picture at buong pamilyang iyong hinahangad. Sa hapag-kainan namin umiiyak, Nilalasap ang mga tulo ng luha sa gabing ang lamig ay humahalimuyak. Ngunit, teka, may tunog akong narinig; Hindi busina ng tren or teleponong nagri-ring. Pero, ako'y nagising! Sa kalangitan ako'y napatingin, Ang sinag ng mga bituin na sa aki'y nakatingin. Nakakasilaw na liwanag mula sa himpapawid-- At Siya ay dumating! Pinaglihi ng isang birhen, Ang naglalakad na tatlong hari ay may mga regalong hatid— Patungo sa sabsaban kung saan nandoon ang isang sanggol na lalaki, Na Hesus ang pinangalan katulad ng sinabi sa prophecy. Dumating na—ang liwanag na dapat naghahari sa sanlibutan. Ang pag-asa na maiaabot mo sa bawat taong nakasalubong sa iyong daraanan; Sa pagyakap ni Inay na nagpapawi ng lungkot sa iyong mga mata, Sa pag-uwi ni Tatay na nagpabalik ng ngiti sa'yong nakasimangot na mukha. Kay bunso na hatid ay saya. Kay lolo’t lola na sinasabayan ang kanta ni Daniel at ni Moira. Si Hesus na namamahay sa puso mo, Ang Siyang na nagbigay ng liwanag sa mga gabing madilim, Sa mga araw na marami kang pasanin. Kaya sa Paskong darating, Siya'y ating alalahanin. Pagkat Siya ang liwanag na dapat ipanagdidiwang natin. Ang sarap pagmasdan na hindi man dumating ang regalong inaasam, O makasama sa araw ng Pasko ang mga minamahal, Si Hesus na sinilang at namatay para sa’yo at namamahay sa puso mo, Ang Siyang tunay na liwanag at pag-asa ng mundo. Ang Siyang nagbigay ng liwanag sa mga gabing madilim, Sa mga araw na marami kang pasanin, Na marami kang excess baggage at dalahin, At sa puso mo’y maraming kinikimkim. Kaya sa Paskong darating, Siya'y ating alalahanin, Pagkat Siya ang liwanag na dapat ipanagdidiwang natin.












