"Ang hirap pala kapag ikaw iniwan"
Saan ba tayo lulugar? Saan tayo magsisimula? Paano natin tatapusin? Ano ano ang dapat gawin?
Mahilig ako magbasa hindi lang ng mga libro pero pati na rin mga pakiramdam. Ang hindi ko maintindihan ngayon, ay kung papaano basahin yung sarili kong nararamdaman. Iba pala talaga kapag nabasa mo lang sa libro kaysa naranasan mo. Kaya nga pala may kasabihan na "experience is the best teacher", dahil hindi lang basta kaalaman ang matututunan mo kung hindi pati ang pakiramdam neto na siyang tatak sa buong pagkatao mo at magiiwan ng marka. Ngayon ang dami kong tanong, hindi ko lang alam kung kanino o sino ang dapat pagtanungan, kung yung tao bang nangiwan o ang mga taong nakaranas na.
Sabi nila may pitong hakbang sa pagluluksa, natutunan ko ito sa dati kong kasintahan. Hindi ba nakakatawa, dati rati ako yung mahilig mangiwan at ang lagi kong dahilan, ay ang hindi ko makita ang sarili ko kasama sila sa future o di nila matumbasan yung kahalagahan ko o di kaya hindi na ako masaya at punong puno na dahil kinikimkim ko ang mga galit ko at mali nila. Pero eto ako ngayon, iniwan sa parehong rason. Balik tayo sa pagluluksa, ang unang hakbang daw ay ang shock and denial, totoo nga naman ikaw ba naman ang biglng sabihan na "Tama na, ayoko na." hindi ka ba magugulat at magdedeny. Dito papasok yung mga kaisipang "Hala baka nabigla ka lang, bakit??! Hindi, ayoko, hindi puwedeeee" at sabay neto ang pagiging manhid at sasabihing "hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman, I don't know what to feel anymore" Ayan english para kasabot ka. Ang susunod ay ang pain and guilt, sakit, pighati, pagsisisi, labas mareng konsensiya! Mag seself-reflect tayo at isisisi sa sarili natin kung bakit tayo napunta sa ganoong sitwasyon. Kasunod na ang anger and bargaining, susubukan mong ayusin ang nasirang samahan, maririnig mo ang mga salitang "sige na, isa pang chance, subukan natin ulit. kahit ako nalang *insert yung mga kaya mong ibigay na di mo naman binigay nung kayo pa kasi mapride ka* basta huwag mo akong iwan" Kung hindi pa din naayos punta tayo sa susunod na hakbang depression, medyo sensitibong usapin ito pero lahat naman ay nakaranas na neto at unti unti siyang napaguusapan. Kanya kanya tayo ng paraan ng coping mechanism. May iba na gustong mapagisa, umakyat ng bundok at sumigaw, umiyak ng isang linggo, mag kwento sa mga kaibigan, mag self-harm dahil sa paniniwalang "physical pain can kill my emotions", at marami pang iba. Eto yung stage na can't eat can't sleep, di ko kayang tanggapin ala april boy regino moments. If you have passed this stage, congratulations, you are more than enough! Ready to conquer the world again one day at a time. Moving on sa next stage ang upward turn. Kung naiwan ka na, naranasan mo nalang mawala sa sarili yung para kang nagtake ng exam, nagpuyat ka magdamag pero wala kang maalala na kahit ano. Hindi mo na nga madistingish ano ang kanan sa kaliwa kasi technically you're lost. FYI walang gps at google maps sa love. Sa upward turn stage, relaxed ka na. Kaunti nang bumabalik ang kaluluwa mo sa katawang tao mo. At sunod sunod na ang pagbangon mo simula rito. Hanggang sa acceptance and hope. Wala pa ako doon kaya hanggang dito muna ako.
Madami pa din akong tanong, pero siguro in time ako rin ang makakasagot neto. Pwede pa namang umasa pero huwag mo nang sagarin, panahon lang ang makakahilom at makakapagpatatag sa iyo.










