Huwag mo na akong mahalin kung di mo lang rin naman paninindigan.
seen from China

seen from Malaysia
seen from Malaysia
seen from China
seen from Syria

seen from United Kingdom
seen from China

seen from Malaysia

seen from Austria

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from China

seen from Uzbekistan

seen from Austria
seen from China
seen from China
seen from Türkiye

seen from Austria
seen from China
seen from United States
Huwag mo na akong mahalin kung di mo lang rin naman paninindigan.
"Nasusukat ba ang halaga ng isang relasyon sa taas ng mga numerong kaakibat nito?" -- Mark Ghosn #TeamAmpalaya #AmpalayaMonologues #Performatura2017 #ItanghalSaPerformatura #CulturalCenterofhePhilippines (at Cultural Center of the Philippines)
"Seryoso na ko.. MAHAL KITA.." written by: Mark Gozon performed by: Yvez Gutierrez cr: AmpalayaMonologues #AmpalayaMonologues #lagunauniversity #HugotNight #Hugot #WordsAnonymous
Sa pagitan ng tayo ba o hindi na.
Kanina pa ako dito nakatayo. Nakatingin sa wala
Wala na nga yatang anghang yang pancit canton at umasim na.
Lumamig na rin yata yang kape, parang tumigas na yung tinapay.
Hindi ko sigurado pero wala akong pakialam.
Walang ibang pumapasok sa isip ko, ikaw lang.
Namimiss na kasi kita eh.
Kailangan kong makita yang mukha mo hindi lang sa picture.
Namimiss kong katabi ka, namimiss kong kausap ka kapag ganitong nalulungkot ako.
Kung papaano mo napapagaan ang pakiramdam ko kahit hindi mo naman talaga sinasadya.
Pero mas namimiss ko kung paano mo ako asarin. Yung mga maliliit nating tampuhan na kung tutuusin ay wala naman talagang kwenta.
Mas gusto ko pang magkaaway tayo kesa ganito eh.
Nasan ka na kaya? Iniisip mo rin kaya ako?Sino na kaya pinapaasa mo ngayon?
Pero kasalanan ko naman ‘to eh.
Hindi kita dapat tawagin na paasa kung sa una pa lang ako na yung nag-assume di ba?
Nilagyan ko kasi ng meaning ang lahat.
Yung sabay nating paguwi after school, yung natutulog ka sa mga balikat ko pag magkatabi tayo sa bus, yung mga tinginan natin kapag wala na tayo mapagusapan kapag kumakain tayo sa cafeteria
Yung mga sweet messages sa mga christmas cards na binigay momo.
Oo, masyado kasi ako kinilig sa mga pa- “good morning” “sleep tight” mo.
Masyado ako nahulog sa mga pa-fall na banat mo
Lalo na kapag yung ginigitarahan mo ako habang gumagawa ng assignments sa bahay
Ang akala nga ni mommy noon, tayo na eh.
Hindi ko tuloy alam ang isasagot kapag tinatanong nya ako, kamusta na daw tayo?
Kasi hindi ko din naman talaga alam kung meron bang naging “tayo”.
Yung pakiramdam na nagmo-move on ako, yung affected ako masyado kahit hindi naman dapat
Kasi technically, no boyfriend since birth ako. Pero bakit ganon?
Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend, broken hearted na ako.
Para akong tanga.
Kasi, umasa ako ng umasa yun pala nasa iba kana.
Yung akala kong pagasa nauwi lang sa paasa.
Masyado kasi akong nakuntento sa kung anong meron tayo eh.
Yung tipong, alam kong may something tayong dalawa pero hindi ko linilinaw kasi baka masaktan lang ako.
May mga bagay kasi sa mundo na kapag lininaw mo, mas lalo pang lumalabo, diba?
Kaya ngayon di ko alam ang kung ano ba talaga kita.
Hindi naman kita ex-boyfriend, pero may naging something eh.
So ano kita? Ex-something?
Buti pa yung biglang lakad natin natuloy, pero yung biglang something natin hindi.
Pero, wag ka magaalala. Alam ko naman na wala akong habol sayo eh.
Gusto lang kita makita. Yun lang.
May mga bagay kasi sa mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang masaya ka na.
Darating din ako don.
Sasaya din ako para sayo.
Siguro kapag nakababa na ako sa ereng pinagiwanan mo sakin.
Kapag nakapag move on na ako dito sa relationship na sa isip ko lang naman nagexist
Kapag nakaalis na ako dito sa malabong lugar na kinakatayuan ko ngayon.
Dito kung saan hindi ko alam kung maiinit pa ba o malamig na ang kape, kung maanghang pa ba o maasim na ang pancit canton, kung malambot pa ba o matigas pa yung tinapay.
Dito kung saan hindi ko alam kung naging tayo ba o sadyang hindi lang talaga.
Dito sa pagitan ng tayo ba at hindi na…
- Mark Ghosn