Nakita kita kanina. Kasama mo nanaman pala s'ya. Kailan ka ba matututo? Kailan ka magigising sa katotohanang comfort zone ka lang n'ya? Hindi ka masyadong binibigyan ng halaga kasi alam n'yang lagi ka lang nandyan. Kailan mo ba pipiliin ang sarili mo? Please, tama na. Wag ka nang magpakatanga. Masakit makitang yung taong inaasam ko, ginagawa lang option ng iba.











