after the long wait.
Hay sa wakas. Nagawa na din ang laptop. Matapos ang ilang buwan ng paghihintay. Nahawakan na ulit kita! Akalain mo nga naman. Buhok lang sumira sa laptop ko. Ano ba naman yan. Penge nga ng super glue, pandidikit ko lang sa falling hair ko pabalik sa anit ko. Ano bang bago sakin? Wala naman, pwera na lang sa nalaman kong dumoble ang grado ng mata ko mula ng huli ako magpacheck up. Proper Eye Care 101 Tip: Magpacheck up regularly, meaning yearly dapat. Lalo na pag may corrective glasses na. Wag mo ko gayahin, after 3 years saka bumalik ulit. ----- Masaya magbas ng Snellen chart, lalo na pag nababasa mo lahat. Hihihih. If only I could bring back the old times, I will really take good care of my eyes.-- May mga naisip tuloy ako dahil dito: * Dapat ako magpasalamat ng marami at palagi kay Lord. Ang bait Niya kasi lahat ng meron ako bigay Niya. :) * Dapat talaga alagaan ko na mata ko. Ang mahal ng glasses eh. Para sa ikabubuti ng lahat. * Napakapasaway ko pala talagang bata noon. Ang hilig ko na manood ng TV tapos gusto ko pa malapit lagi. Ang ending, ayan, LABO. * Nang makita ko ng maliwanag ang paligid kanina, nakaramdam ako ng sobrang ligaya. Ganoon pala yung feeling eh. Di naman ako bulag, pero sahil sa labo ng mata ko di ko nakikita lahat ng mga magagandang bagay sa paligid ko at sa buong mundo. And for that, Lord, thank you po for the new set of 'eyes' you gave me. :) * Ang dami kong "what if's" sa buhay ko. Dapat ma-try ko man lang kahit one fourth ng lahat ng yon. Sayang ang oras, magpakasaya hanggang kaya pa. *ang dami ko pa narealize at naiisip kaso tinatamad na ako mag-type. Ayan. Ang tamad ko pala talaga. Hahahaha. Note to self: Bumili ng keyboard protector. Alagaan ang mata. Sundin ang mga payo ng mas may alam sa akin. :))














