Tangina.
seen from China

seen from Türkiye

seen from United States

seen from Yemen
seen from United States

seen from United States

seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from Norway
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Japan
seen from Japan

seen from Japan
seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from United States
Tangina.
Saka mo lang talaga malalaman ang kahalagahan ng isang tao kung kelan wala na siya sayo.
Sa sobrang sakit kagabi, di ko na nagawang mag blog pa. Hanggang ngayon, andun pa rin yung SAKIT. As in literal na nararamdaman ko nung mga oras na yun. Lalo na nung sinagot niya yung tanong ko. Ang sakit lang sobra. Ang buong akala ko magkakaayos pa kami ng mga oras na yun. Ginagawa ko ang lahat, nagiging desperada na ako, kung ano-ano na mga nasabi ko pero wala pa rin. Andun na daw siya sa so called "limitation" niya and hindi na daw niya kaya. Ang love ba talaga may limitations? Ugh. Nakakangarag isipin na sa mga taon, buwan, araw at oras na kausap ko siya, bigla na lang maglalaho yung lahat ng mga magagandang alaala sa amin. Yung pakiramdam na iniwan kang mag-isa sa ere. Masakit..
Mahirap man tanggapin, pero kailangan. Kung tutuusin, gusto ko pang lumaban at ipagpatuloy tong nasimulan namin eh. Pero mahirap naman kung isang panig na lang yung nagmamahal at pilit ka na ding tinataboy nung isa diba? Maybe we're just not meant to be for each other. Di ko man inakala na darating tong panahon na to, siguro nga kelangan ko lang talaga tanggapin kahit na sobrang sakit na.
Pero sa ngayon, hindi maaalis sa sarili ko na UMASA at magbaka sakali na meron pa. Kahit papaano, hindi basta basta ang mga nangyari. Tipong humantong na kami sa puntong nakilala niya na pamilya ko, pero hindi nga lang maganda ang kinalabasan. Tbh, I'm willing to fight for him pero ngayon na sinabi na niyang hindi na niya kaya, hindi na niya ako mahal and he's telling me to stay out of his life. Then fine. Kung yun naman yung ikakasaya, i'll let him go. Basta, andito lang naman ako lagi, kung may balak man siyang lingunin ako, andito pa rin ako. Hayy, If I could just bring back time...