Title
Aaminin ko nagalit ako sayo, galit na galit. Hindi naman kase sa rason na niloko mo ko pero somehow oo. Ang rason kase talaga kung bakit nagalit ako sayo eh yung hinayaan mo lang akong ma-fall sayo tapus wala ka lang pa lang pake. Pero hindi naman kita sinisisi na. Hindi na ko galit. Hindi naman ako dapat nagalit.
Tama naman diba? Hindi naman kita masisi kung hindi mo ko kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo. Hindi naman kita masisi kung hindi mo ko kayang gustuhin kagaya ng kung pano kita gustong-gusto makasama araw-araw. Hindi kita pwedeng sisihin kung may gusto kang iba, kung may mahal kang iba. Hindi ko naman kase pwedeng ipilit sayo sarili ko. Ako lang naman yung nagka-mali na pinangunahan ko yung mga bagay-bagay. Pinangunahan ko yung tayo.
Ang pinagsisihan ko lang yung hindi ako lumaban. Hindi kita biinigyan ng time magpaliwanag hindi kita binigyan ng second chance. Sa sobrang takot ko na masaktan umiwas ako agad. Pinangunahan ako ng galit hinayaan ko lang yung sarili ko. Lalo lang din akong nasaktan sa pag-iwas ko sayo pero kinaya ko, natanggap ko. Tinanggap ko na, na wala naman talagang tayo. Pero pano kaya kung pinaglaban ko? Pano kung lumaban kaya ako? siguro masaya parin tayo.
Aaminin ko nasaktan man ako nung huli, gabi-gabi man kitang iniyakan naging masaya ako. Masaya ako sa kung anong meron tayo noon. Hindi 'man naging tayo talaga, masaya ko sa araw-araw na pakikipag-usap sayo. Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko. Wala akong pinagsisihan sa lahat. Hindi ako nagsisi na umiyak at nasaktan ako dahil sayo all the pain and tears are worth it.Â
Pero masaya na 'ko tapus masaya kana rin. Okay na yung ginagawa mo sa buhay mo kaya better narin siguro 'to. Hindi man naging tayo atleast napasaya mo 'ko. Sana napasaya rin kita. Kung makahanap ka 'man ng bagong magpapasaya sa buhay mo, sana ingatan ka niya kagaya ng pagi-ingat na ginawa ko sayo. Sana mahalin ka niya ng higit sa pagmamahal na binigay ko sayo at sana ganun ka din sa kanya.Â
Salamat pala sa lahat. I can finally say I've moved on. Natagalan din pero atleast nagawa ko, nakaya ko, natanggap ko. Â 'till next time. Sana pag nagkita tayo ulit kung sakali, walang awkward na barrier. Sana ang unang salubong mo parin saken yung ngiti mo sabay apir. Ingat ka lagi...















