Hi Angel,
Oh hi palang yan pero malamang kinilig ka na no? Sabi na eh may gusto ka saken. Hahaha. Hindi ko alam pano ‘to sisimulan pero dami kong gustong sabihin eh okay game. Una sa lahat pakyu, pangalawa pakyu pangatlo pakyu. De kanina ko pa inaalala pano ba tayo nagkakilala, parang sa tumblr yon e hahaha. Okay alam ko na, hindi pa yan url mo non e nung una kitang nakausap, ano nga ba url mo non? May word na “babae” yon eh feeling mo naman babae ka hahaha, babaengmalandi ata? Wait, babaengmaharot? babaenghitad? babaengmakati? Hahaha hirap alalahanin pero naalala ko na, babaeakopre tama ba pre?
January nung pafm fm ka saken eh, fc mo po kinuha mo pa number ko tas text ka ng text jejemon ka pa nga eh. Inggit na inggit ka nung nagkita kami ni Juleng no? Hay poor you. Hahaha. Pilit mo pang inaalam yung vital stat ko diba sabi ko naman sayo 36-24-36? Kasi hahanapin mo ko sa FHMU, tapos di ka naman pumunta drawing ka eh pinaasa mo ko. Kaya tinawag mo kong ate VS. Ate kapa kunwari pero may balak ka palang masama saken. Huhuhu.
Dumating ang CTMU2, nagmakaawa ka na magpakita ako sayo at dahil naawa ako nagpakita ako sayo wahahaha. Pero pagdating ko don at nakatingin ako sayo tumatakbo ka, natakot ka ba saken? Hahaha. Ako na nga lumapit sayo eh pero kilala mo na pala ako hahaha. Di ko makakalimutan yung paghug mo saken e, ayaw mo ng bumitaw akala ko nga sasama kana saken umuwi. Partida amoy pawis na ko non ha. Hahaha. Love na love mo talaga ako eh :”> Naka47 na hugs ka saken.
De, seryoso na. Pero seryoso naman yung mga nasabi ko dyan sa taas. So ayon thank you sa pagiging fc mo sakin kaya ayon magkaibigan na tayo. Magpasalamat ka din saken kasi kinaibigan kita okay? Pag ikaw ang kausap ko hindi pwedeng hindi ako tatawa, tawa talaga ha, hindi ngiti lang. Hahahahaha. Hagalpak ganon. I really love your sense of humor. Hindi ka pa nga nagrereply sa sinabi ko tawang tawa na ko eh naiimagine ko kasi agad ang irereply mo. Nakakabaliw ka, feeling ko nga hindi 11 years old yung kausap ko ay teka ilan taon ka na nga? Hahaha. Punong puno ka ng kalokohan sa katawan at kalandian. Hindi ko nga kinakaya mga kabastusan mo eh san mo ba natutunan yon ha? Hahahaha. Naalala mo ba yung thresome? Huhu. Natatawa na naman tuloy ako hahaha.
Tama na nga, basta salamat sa pagpapatawa sakin lagi. Kapag tinatawagan kita sagutin mo okay? Kapag may problema ka nandito naman ako para makinig, wag kana mahiya makapal naman mukha mo e. Pwede naman ako seryoso kausap eh. Di lang halata. Sana magkita ulit tayo, alam ko bitn ka pa sa yakap mo sakin eh hahaha at pag nagkita tayo iuuwi na kita wala kasi akong laruan sa bahay e yung ihahampas ko sa pader pag nabadtrip ako at tatadyak tadyakan pag nainis ako. Sana din matupad na ang pangarap mong reglahin para maging ganap ka ng dalaga. Hahahaha. Nandito lang si ate VS ha? Wag mo kalimutan.
Love,
Ate VS











