#AngHulingElBimboTheMusical
Done watching this awesome musical act #AngHulingElBimboTheMusical 💕 Isang napakagandang obrang maituturing.
Maraming life lessons kang matututunan sa musical play na ito. Makikita mo ang 4 na teenager na nakataas ang mga kamay dahil nangangarap na maabot ang kanilang mga pangarap. Mga kabataang nangangarap magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang tataas ng mga panagarap, ngunit may isang tao dyan na ang tanging pangarap lang ay may mahanap na makakasama niya panghabang buhay at maging masaya. Si Joy, ang character ni Joy ay simple lang. Isang taong dahil pinaparusahan ng kahirapan hindi kayang makapag-aral ngunit nang dahil nakilala niya ang tatlong tinuring na niyang kuya, best friend at kasintahan, ay nabuo sa kaniya ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at mapantayan niya ang mga ito.
Ngunit ang pagsasaya ay nauwi sa isang madilim na trahedya. May masamang nangyari kay Joy. Walang nagawa ang kaniyang kuya, bestfriend at kasintahan at litong-lito kung ang nangyari ba kay Joy ay ipapaalam nila sa pulis o dadalhin si Joy sa hospital, pero ng dahil sa dala ng takot at pagkalito napagkasunduan nilang manahimik. Manahimik sa totoong nangyari kay Joy at ipagsawalang bahala na lang.
Dumating ang araw ng graduation tila baga’y nilimot na nila ang kanilang naging kapatid, bestfriend at kasintahang si Joy. Yun na pala ang huli nilang pagkikita. Nagkanya-kanya na sila ng buhay. Wala man lang pagkamusta sa naging buhay ni Joy. Nilalayuan. Humahanap ng dahilan kung napapatawag si Joy. Naging masalimuot ang takbo ng buhay ni Joy. Alipin pa rin ni Banlaoi at walang nagawa dahil siya lamang ay mahirap at kinakaya ang lahat para mabuhay. Ganun naman talaga ang mahihirap, kinakaya na lang lahat dahil sanay naman sa hirap. Mahirap maging mahirap dahil tinitiis na lang ang lahat hindi pwedeng magreklamo dahil sino ka nga ba mahirap ka lang naman. Plano na ni Joy na layuan ang buhay na tinatahak niya ngayon upang maging mapayapa at makabuo nang bagong pag-asa sa naghihintay sa kaniya.
Sa wakas dumating ang araw na pinakahihintay ni Joy. Ang magreunion sila nang dating naging magkapatid, mag bestfriend at magkasintahan, ngunit parang sa maling pagkakataon dahil ang dahilan ng reunion na iyon ay upang pagluksaan si Joy. Nasagasaan si Joy. Alam naman pala nila ang kasalukuyang takbo ng buhay ni Joy, na naging pusher ito ngunit wala man lang silang ginawa upang iwan ni Joy ang ganoong klaseng buhay. Ang tinuring ni Joy na kapatid, kaibigan at kasintahan ay iniwan lamang siya sa ere na akala mo’y wala man lang pinagsamahan. Dito pa lamang nila napag-alaman na may anak pala si Joy, ang ngalan nito ay Ligaya. Halos wala nang natira kay Joy, nawala lahat,pero kahit hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala niya itinuri niya itong yaman, si Ligaya. Si Ligaya na lang meron siya.
Ang batang nasa itaas ng picture na kasama ng 4 na teenagers ay si Ligaya, anak ni Joy. Kung mapapansin niyo si Joy lang ang hindi nakataas ang kamay dahil hindi niya naabot ang kaniyang mga pangarap, ngunit may isang musmos na bata ang magtataguyod ng mga pangarap niya, si Ligaya.
Napakaworth it panuorin nitong 3hrs act. I hope someday I will have a chance to watch it live, or should I say be part of their production hahahahaha. Theatre has a huge part in my heart because it was my dream course, and when I was in high school, I enjoyed performing in front of many audiences, even if my role was just a "maingay na kapitbahay" hahahah. I’m still believing that I am born with a makapal ang mukha HAHAHAHA












