Ang Layo..
Paang nangangalay
Sa pilapil nakadantay
Ginto ang kuko
Wala namang presyo..
Hapdi ng init
Tagos sa damit;
Pag ula`y katal
Walang silbi ang balabal..
Ang layo...
Layo ng isip,
Habang nakayuko
Pagod ngunit di sumusuko..
Papahinga sandali
Isip nama'y atubili
Dami tanong
Sagot di mawari..
Ang layo...
Layo ng sagot,
Sa mga tanong na nabuo..
Kaya pa o suko na?
Damdamin di magkaintindahan
Nakamasid sa di kalayuan
Humihiling kay bathala
Para sa kinabukasan...
Ang layo...
Layo sa pangarap,
Binagsakan ay lupa,
Kapos ang sakripisyong mga ginawa.
Titigilan ba
O magaadhika
Gagapangin palapit,
Panghahawakan ang nasa isip...
Ang layo..
Layo ng ngiting
Balatkayo sa paningin
Wag lang mapansin mga kinimkim..
Masayang malungkot
Halo ang damdamin..
Hahakbang na muli't
Tatawid sa pilapil...















