Masaya nga ba talaga ako?
O pilit paring dinadaya ang sarili!
Sinasabi ko madalas kalilimutan kita,
Pero naubusan na ako ng mga paraan,
Ilang beses ko man diktahan ang puso.
Nabinging pansamantala ng marinig
Nang marinig na may mahal ka ng iba..
Ang init ng pagdaloy ng luha.
Na parang batis na nag mumula,
Sa kailaliman ng damdaming di maintindihan.
Ito na ba talaga ang hudyat ng pagsuko?
Anu nga ba ang tamang kahulugan?
Bakit kay hirap mong hanapan?
Dapat ba sa lahat ng digmaan,
Kailangan may isang susuko sa laban?
O manatili nalang sa makipaglaban?
Ng mga sugat na nakamtan.
Ang isang taong nakaagapay
At nag turo ng mga taktikang gagabay
Para ipagpatuloy ang buhay!
Dati'y nabuhay akong mag-isa.
Sa kapatagan at mga bulubundukin,
Ng damdaming puno ng digmaan.
Takot na takot at nanginginig!
Dulot ng pangamba na bka wala na?
Wala na kahit isa sa paligid ang mag aahon,
Sa kinasadlakang mundo ng digamaan.
Hanggang sa mapadaan ka't akoy natagpuan
Sugatan, madungis, ang mukhay kaylamlam.
Di nagdalawang isip na iabot iyong kamay,
At akoy inakay palayo sa digmaang nararanasan.
Itinuro ang daan patungo sa lugar
Sa lugar ng katahimikan at kapayapaan..
Mula noo'y naging panatag ang buhay
Mga sugat ay unti-unting naghihilom,
At sa mga sakit ay nasanay..
Pagkat ako'y iyong tinanggap, niyakap,
At pinatuloy sa'yong buhay..
Muling nasadlak sa digmaan
O isa na ako sayong kalaban?
Ang mundo koy tila gumuho
Ng ikay masulyapang nakaataas ang kamay,
Siguro nga'y napagod ka na..
Sa pagprotekta't pag gabay..
Kung saan ang puso at isip ko ang magkalaban.
Ngayon ako'y tinamaan ng palaso
Ramdam ang dahan dahang pagbaon sa puso,
Na tila ba salamin nabasag,
Kasabay ang init ng dugong gumuguhit
Paligid ay unti-unting lumalabo
At nabubuo ang katanungan..
Sa pagkakataong ito'y nagkasundo
Mas nanisin ko pang masawi.
Masawi nalang sa pakikidigma,
Kesa mabuhay sa pagsuko..
At kasinugalinga'y nakalatay
Na kayang kitang kalimutan...