Curse
Lumipas na ang mga taon ngunit natatakot ka parin na baka magkataon na magkatagpo kayong muli. Ika’y binabangungot ng mga salitang nagmula sa kanya nuon, marahil ay nasabi niya lang yun upang ika’y lumayo o kaya yun talaga ang kanyang nararamdaman. Marami pang pwedeng dahilan, iba’t ibang posibilidad pero dahil wala pa kayo sa tamang edad may mga desisyon na sa tingin nila wasto ngunit hindi pala. Kung ano man yung mga dahilan na yun ay iyong tinanggap at niyakap ang katotohanan subalit pakiramdam mo may kulang sa iyo na tuwing siya ay napapadpad sa isipan mo, ikaw ay nalulungkot, nangingilid ang mga luha na animo’y walang dahilan.
Kayo ay nagsumpaan nuon na kayo ay magaantay kahit na kayo ay magkahiwalay. Kapag lumisan ang isa at bumalik, ang dating kayo ay manunumbalik. Pinapaniwalaang sana hindi ito kathang isip lamang pero sa katotohanan ikaw nalang ang nag nahihintay, magisa, habang siya ay di man lang lumingon at sumilip dahil siya ay may iniintay nang iba....











