BLANKO
Sa ngayon, eto ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung nasaan ang tunay na ako. Oo, kahit papaano may alam naman ako tungkol sa kung ano ang gusto ko pero hindi pa rin sapat ang mga bagay na naiisip ko para sipagin ako at maging responsable sa bagay na ito. Siguro nga may takot akong nararamdaman sa maaaring mangyari o kahinatnan ng bagay na aking iniisip pero paano ko nga ba malalaman yun? Hindi ko ugali ang tumakas pero ugali ko ang hintayin ang sarili ko na sipagin upang ako ay kumilos at ayusin kung ano man ang dapat kong tapusin. Bakit nga ba, wala akong interes?





