Kapag hindi mo na kaya yung sakit, wala ka ng ibang magagawa pa kundi lunurin na lang yung sarili mo sa mga bagay na makakapagkalimot ng kirot kahit panandalian lang. Maging busy sa trabaho, ibaling yung atensyon sa mga kaibigan na kahit papaano makakapagpagaan bigat na dinadala mo. Minsan ka lang maiwan mag-isa sa isang lugar, malalaman mo na hindi ka pa pala ayos, aagos na naman ng kusa ung luha sa mga mata mo. Sa mga panahon na yon, iisipin mo pa rin kung paano ka titigan sa mga mata mo, kung paano nya halikan ang kamay mo sabay sasabihin nya na mahal na mahal ka nya. Lahat ng iyon, naiwala na lang dahil sa pagkakamali na mismong panahon ang nagdikta.
Sa pagbalik nyang muli, maguguluhan ka kung paano mo titimbangin ang nararamdaman mo. Magiging masaya ka ba o malungkot. Sa pagkakataon na ito, sya mismo ang sasagot sa paraan na hindi ka na nya bibigyan o pagtutuunan ng pansin. Unti-unti, bibigay na rin ang puso mo dahil tuluyan na rin nyang inalis yung pag-asa na pinaghahawakan mo. Sa kabila ng lahat, pagod ka man sa sakit, hindi pa rin mapapagod ang puso mo na mahalin sya. Tanging panahon lang ang makakapagsabi kung kailan ka ulit magiging handa na kumilala ulit ng iba.