Usap
<p>Kanina ka pa nandyan. Parang walang may gustong tapusin ang pag uusap. Okay na din ang minsanang pangungumusta kahit alam naman natin kung saan ito papunta, pero bakit nga ba?</p>
<p>Sa sobrang bilis ng paglipas ng panahon, hindi natin namamalayang naiiwan na tayo. May mga damdaming dapat nang bitawan, may mga alaalang dapat nang kalimutan. Nais nang humakbang pero pinipigilan ng mga tanong na walang kasagutan o sadyang ayaw lang malaman. Naniniwala pa rin ata sa tadhana. Sa tadhanang tumalikod sayo nung oras na kinakailangan mo sya, sa oras na gusto mo namang ikaw ang piliin at hindi ang taong ipinagsantabi.</p>
<p> Piliin man nating ayusin, piliin mang ipagpatuloy pero pareho nang takot na lumaban muli. Hindi pa humihilom ang mga sugat, bubugbugin na naman ng traydor na tadhana. Tama na ba? Tama na ata. Tama na.</p>
<p> Sa muling pag uusap.</p>













