Quotable Quotes ng mga ibat-ibang tumblrista tungkol sa tanong na Ano ka kung hindi mo natuklasan ang Tumblr.
Kung wala ako sa tumblr, I`ll never be the best person that I am today… - pilosopotasya
Dito ko nalaman na hindi lang pala ako nagiisa at siyempre na may iba iba at halo halong pananaw at paninindigan ang bawat isang nilalang. -applesandorange
Kung wala ang Tumblr, hindi ko masasabi ang lahat ng ito. Mananatili akong pipi sa katotohanan at bulag sa nararamdaman ng iba.- superaejay
Sa tulong ng Tumblr, naisusulat ko yung mga bagay na naiisip ko. Ang mas nakakapagpagaan pa nito, eh kapag nalalaman ko na may ibang tao din pala na nakakaramdam nito. Pati yung sa mga bagay na interes ko, masaya sa pakiramdam na pareho tayo. Nakatutulong din dahil sa nakakabasa ako ng ibang pananaw ng ibang tao na pwedeng makatulong sa sarili ko. - hush-rush
Isa pa rin siguro akong nilalang na nag-aadik sa facebook at sa mga koreanovela kung hindi ko nadiscover ang tumblr. At hindi ako makakapagblog ng ganito kung hindi ko nalaman ang tumblr. Dito lang ako nakakapagblog ng mga kasabawan, ng mga “may sense”, ng lahat-lahat. Ilang beses din ako gumawa ng blogspot pero hindi ko naman nagagamit. At kung hindi ko nalaman ang tumblr, Siguro boyish pa rin ang porma ko ngayon. Kasi ngayon medyo girly girly na ako. - kimperjein
Maraming mga bagay sa ngayon ang hindi ko nalaman at natuklasan. Hindi ko nakilala yung mga taong kahanga-hanga na ipinanganak dito sa balat ng lupa. Wala akong mga bagong kaibigan at dito ko rin natuklasan na hindi ako nag-iisa sa mundong ito - devilrod24
Pero hindi ko naman masabi na nakasama ang tumblr sa buhay ko dahil lang sa hindi ko nagawa ang mga yan. Lahat ng himutok ko sa buhay, lahat ng bullshit, isiniwalat ko dito. Magaan sa feeling lalo na kapag walang mapagsabihan at makakaintindi. Lahat ng insights ko at ideas, pati ang craft ko ipinakita ko dito. Kahit walang notes, bonus points na lang kung meron, hindi naman talaga importante yun. - therainbowmachine
Kahit sa mga oras na nag-aaway mga magulang ko, tumblr ang nagiging sandalan ko. Weirdo man para sa iba, ito siguro ang best friend ko sa ngayon. Kahit anong kadramahan, kasiyahan, katangahan, kababuyan, o kung ano pa yan… Tumblr lang ang tumanggap sa’kin ng ganito. Mula sa mga hindi ko kakilalang tao sa lugar na ito, hanggang sa mga taong nagawa kong pagkatiwalaan ng mga bagay na kami at ang tumblr lamang ang nakakaalam. - thesenseofbalderdash
Pero may isang bagay naman na maganda sa nangyari, natuto akong humarap sa tao. Hindi na ako yung dati na mahiyain at nagkukubli lang sa sarili. Natuto akong maging bukas kahit papano sa mga tao. Hindi na ako yung tipong sinasarili ang lahat. Kasi hindi naman dapat na habang buhay akong ganun. Kailangan ko rin ng mga tunay na kaibigan na makakausap. Yung mga totoong TAO na kahit hindi palaging nandyan, alam mong naiintindihan ka naman. - ang-kwento-ko
Kung iisipin pala, sa totoo lang, simple lang ang buhay kung wala akong blog, pero mabigat. Bakit? Sa tumblr lang kasi ako nagpapagaan. In the sense na, nacoconfess kasi ako dito nang madalas. Napapagaan ko yung mabigat kong pakiramdam kapag walang ibang pwedeng malapitan. Baka wala ring magpapangiti sakin at wala akong matututunan mula sa iba’t ibang opinyon at ideas ng mga tao dito. - purpleblogger
Kahit na wala mang pumansin sa’yo. Yung feeling na mailabas o masabi mo lang yung nararamdaman mo ay sobrang relief na para gumaan ang pakiramdam mo. - straw-betty
madame akong narerealize at naaapreciate dahil sa tumblr. nalalabas ko kung sino ako. minsan kasi sa fb hindi mo malabas lahat esp. sa lovelife. HAHAHA. yung tipong broken na broken na pero hindi mo pwedeng ipost sa fb kasi madameng magrreact. kesho ganito, kesho ganyan. -ekapogs
Pero ngayong college, aside from andami kong tinatapos na paper works eto may tumblr akong inaatupag kaya kadalasan 12am or 1am na ko nakakatulog. 90/60 na nga lang lagi BP ko e. Dinadaan ko na lang sa kaen yung puyat at kulang sa tulog. -nawawalangpusa
Astig lang. Sa Tumblr ako natutong humanga sa mga taong kahit minsan di ko pa nakikita ng personal. Sa blog lang nila, totoong tao na sila. Sa Tumblr, saya lang ng buhay ko. Sa Tumblr, gumanda ng unti fashion sense ko. :D -dreamingismyhobby
Basta malaki ang pinagbago ko simula ng makilala ko ang tumblr. Nakakaadik e. Lalo na nung naging BLOGGER na talaga ako. -muymuybabuy
Hindi ko sana makikilala yung mga naging close ko dito kahit bago palang akong tumblrista.-trip2dmax
hindi ko rin siguro alam kung san ako maglalabas ng sama ng loob ko kung wala to kasi dito ko lang kayang gawin yun.tapos sa tingin ko nakakulong ako sa kwarto ngayon at natutulog.wala eh boring kung walang tumblr. -batangtanga
Sa totoo lang nakakaadik talaga ang Tumblr kasi dito makakabasa ka ng kung anu-ano, may sense man o wala. Malaman man o sabaw -bigongsawi
Dito ko natutunan na ipahayag yung mga nararamdaman ko kahit wala namang nagbabasa o nakakaappreciate nito *dala na ko*, dito ko naranasang maging freeeeeee -anglolaniyo
kaya ayun, sobrang thankful ako sa mga taong naging daan para ma-discover ko ang super-cool-and-super-addicting-a-normal-person-wouldn’t-understand blogsite na ‘to. - paramoreisticallyme
Ewan. Maganda naman nadulot sakin ng Tumblr eh. Haha. Siguro kung hindi ko talaga ‘to alam, di ko na alam gagawin ko - lovelovecheese
Ikaw mismo, nakadepende sayo hindi sa tumblr. Ikaw ang may hawak ng kinabukasan mo kung paano mo ito malalapasan. Sa pamamagitan ng mga nalaman mo noon at mga malalaman mo palang sa mga susunod na araw. -positivitymovement













