I know that my decision is selfish, but I need you to understand me right now. I NEED TO FIND MYSELF. Masyado na akong naging selfless, ako na lang palaging nagpapakumbaba. Akala ko ba yung totoong pagkakaibigan give and take yung ginagawa? eh bakit wala na akong nakukuha? palagi na lang akong nagbibigay? ako na lang yung palaging umintindi, ako na lang yung palaging humihingi ng sorry. nauubos din yung pasensya ko. At ngayon parang ako pa yung may kasalanan? hindi niyo naman ako naiintindihan eh. Kapag may kasalanan kayo pinapatawad ko kayo kaagad, kinakalimutan ko kagad pero bakit kapag ako na yung may kasalana ang hirap niyo magpatawad? Masakit eh, lalo na ngayon na parang hindi ko na makita yung sarili ko, parang hindi ko na makilala kung sino ba talaga ako. Ang friendship na ito nagiging toxic na sa mga buhay natin. gusto niyo kayo na lang palagi yung nasusunod tapos , kapag ako na hindi niyo na maintindihan. Ayoko ng ganyan na klaseng pagkakaibigan. Sabi ko “I need space” binigay niyo nga pero parang gusto niyo na kalimutan ko na lang kayo, sinasabi niyo na “Huwag ka nang mag chat sa akin para mas mabilis mo akong makalimutan” Sabi ko space lang, hindi ko sinabing kakalimutan kita. Diyan pa lang makikita mo na hindi mo talaga ako iniintindi, yung side mo lang yung inintindi mo. Oo na naging selfish ako ngayon, pero hindi mo ba nahahalata na matagal na din akong naging selfless? to the point na hindi ko na makilala yung sarili ko. Sino na ba talaga ako ngayon? Magbabago ba ako para sa inyo? The answer is no, a really big no. HIndi ako magbabago.Hinding-hindi ako magbabago. Kung hindi niyo kayang tanggapin kung sino ako, then wala na akong magagawa doon. I’m not born to please you. Nanay ko nga minsan hindi ko pinakikingan, kayo pa kaya? Yes I’m selfish, pero sana ma realize niyo na matagal na din kayong selfish. Hindi niyo ako iniintindi samantalang ako heto inintindi kayo. This is just a challenge, challenge ko lang ito kung iintindihan niyo ba talaga ako pababayaan na lang. So in short effort lang yung hinahanap ko. -L