Para akong pinatay ULIT.
Nagtataka ako, na bakit ganon? Napapansin ko, nagbabago kana, parang ayaw mo nakong kasama, at oag kasama mo naman ako, parang ni ayaw mokong hawakan. Nagtataka ako kase bakit ganon? Hindi ka naman kase ganon noon. Pero inintinde ko. Kase may mga problema ka sa school, family, financial, and personal pa. Inintinde ko lahat kahit na ang kapalit non ay hindi na tayo nagkakasama. Wala ka ng time sakin. Syempre, mas mahalaga yung mga yon kesa sakin. Hindi pa naman tayo and ayokong mamili ka. Gusto kong ayusin mo mga problema mo, diba tinutulungan pa nga kita sa lahat? Wala akong hindi naintindihan sa lahat ng problema mo, hindi kita iniwan. Why? Because i love you. And ganon baman talaga pag nagmamahal. 😊 Kahit medyo napapa isip ako kase, pinapabayaan mo nakong mag isa umalis, mag isa mag gym kahit na puro lalaki don , and mag isa na umuuwe galing sa rehearsal kahit na sobrang gabe na yon. Hinahayaan mo nakong maglakad sa kalye kahit gabe na. Hindi mo nako sinusundo. Pero ok lang diba? Kase nga, busy ka. Kase nga naiintindihan kita... Kase mahal kita. Pero nung nalaman ko na... May iba ka. MAY IBA KA? 💔 ikaw? Ikaw yan eh? Diba ikaw yan? Malaki tiwala ko sayo, sagad hanggang langit. Kaya parang literal na gumuho yung mundo ko. Para akong namatay uli. 🍂 para akong sinampal. Sobrang sakit galit na galit ako sobra! Iyak ako ng iyak 😭 pero....... Pinatagal ko. Hindi agad kita kinausap or inaway. Naging sweet parin ako sayo. Bakit? Kase naiisip ko.... Ikaw yan eh. Baka naman hindi sinasadya.. Baka naman pag nakita mong sweet ako baka maisip mo na ako tong babaeng mahal mo na pinaghirapan mo na sobrang pinahahalagahan mo. 🌈💕💎 Pero... Isang malaking pero. Nabuksan ko yung facebook mo at nakita ko lahat ng bagay na masakit lahat ng bagay na hindi kakayanin ng puso ko pag nakita ko. Sumabog nako. Magka chat kayo, pero tinatawagan kita hindi mo sinasagot. At nung sinagot mo sabe mo aalis ka kaya wag na muna. Sobrang sakit!!!! Kaya pala wala ka ng time sakin. Kase.... Kase ano? May bago kanang binibigyan ng oras mo. Masakit lang oag naiisip kong yung mga time na hinahyaaan mokong mag isang nauwe sa gabe eh kasama mo pala sya, at masaya kayo. Sampal sakin. Ano bako? Dito ko naisip na ako talaga pinaka panget na tao sa buong mundo. Dati pinapalakas mo loob ko, kase madalas ko sabihin syao na napapangitan ako sa sarili ko tapos sasabihin mong ako pinaka maganda sa lahat! .... Pero ano? Sayo ngayon nang galing ikaw ngayon yung dahilan kung bakit pakiramdam ko I WILL NEVER BE GOOD ENOUGH. ...... 🙃😔










