Nag pe facebook ako tapos scroll and like lang ang ginagawa ko. May biglang nakakuha ng atensyon ko. Suggested post lang siya na muntik ko ng paniwalaang totoo. Nakalagay kasi ay loveteam name nung babae at artistang si Dingdong Dantes yung asawa ni Marian Rivera na magulang ni Baby Zia(haba naman baka pati lolot lola masabi ko na). So ki nlick ko yung. Pagbukas niya sa browser ko sa phone. Isa lang pala siyang kalokohan sa fb. Loveteam generator pala mga uri ng kalokohan tulad ng know your soulmate, know who stalk you a lot, parang mga ganun na imbento lang. Pero nakakatuwa ang mga resulat di ba? Aminin mo isa ka sa suki ng pag share ng ganyan. Dont worry isa din ako sa mga suki at minsan may mga nakakahiya na ini screenshot ko na lang at forever na syang nakatago sa baul ng phone ko. #mayforever Pero eto talaga yung ikikwento ko. So pag click ko nun naisip ko na i try malay ko ba kung bigla akong sumikat at palitan ko ang pwesto ni Nadine kay James Reid, echos! Syempre joke lang yun baka patayin ako ng Jadine Fans. Bago ma generate ang future loveteam name ko ay dapat mag log in muna ako sa fb kasi nga nadayo ako ng browser. Pag click ko kngn dapat talaga think before you click. Biglang umurong ang pangarap ko na sumikat at may maka loveteam. Ako at si Marlou(ga) ang lumabas. Kahit pa na sabihing makapal ang mukha ko ay di ko kinayang i share. Ang hard ko naman ata haha pero yun talaga ang nasa utak ko eh. Marlou baby, pero kung tayo talaga, bahala na si Batmar haha lol.






