I'm Dead
The BEST episode of Holby City ever !!

seen from France
seen from China
seen from United States
seen from Argentina
seen from Italy

seen from Peru
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Türkiye
seen from Netherlands
seen from China
seen from Hong Kong SAR China
seen from China
seen from China
seen from Egypt
seen from United Kingdom
seen from Germany

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Netherlands
I'm Dead
The BEST episode of Holby City ever !!
Bigla na lang, para kong sinapian ng kung anuman simula nung minahal kita. Ilang taon, puro takot ang nasa puso ko. Puro kaba. Na baka isang araw, meron na naman akong kapalit. Baka isang araw, di mo na naman ako mahal. Na baka isang araw, wala ka na naman sakin. Natakot ako kahit hindi naman ako dapat matakot. Natakot ako na wala ng magmamahal sakin ng katulad ng pagmamahal na binigay mo sakin. Natakot ako na gumising isang araw na wala ka na. Kasi wala akong security. Kasi wala na kong tiwala. Kasi naubos na.
Habang lumilipas yung mga taon at paulit ulit mo kong sinasaktan/nasasaktan, parang nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko na makakaya ko. Alam mo ba yung pakiramdam na, sanay na sanay ka ng masaktan, sanay na sanay ka na sa pakiramdam ng sakit na parang naging parte na yun ng buhay mo kaya ayos lang sayo na paulit ulit kang nasasaktan. Sanay ka na e. Hahaha.
Ang dami kong inaway, ang dami kong pinutangina para sayo, ang dami kong binitch para protektahan ka. Tayo. Yung meron tayo. Kaso wala e. Ikaw yung nagpatalo satin. Ikaw yung nagtulak sakin para sukuan ka. Na habang buhay ko namang ipagpapasalamat sayo, dahil kung hindi don baka hanggang ngayon ako pa din yung babaeng punong puno ng takot. Baka hindi ko nakilala yung taong NAKAKAPAG PASAYA sakin ngayon.
Salamat sa pagtulak mo sakin na maging ganito katapang ulit. Di ko matututunang buuin yung sarili ko kung hindi mo ko tinulak sa limitasyon ko.
Tapos na.
Ilang beses ko na bang sinabing ayoko na? Na tapos na talaga. Na papanindigan ko na lahat. Hindi ko na mabilang. Sa sobrang dami. Sa sobrang tagal na. Ilang beses na ba kong nadapa at muling bumangon para lang madapa ulit dahil sa pagbalik ko sa taong walang ginawa kundi saktan ako? Ilang beses ko na bang sinuway lahat ng sinasabi ng magulang ko, ng pamilya at mga kaibigan ko para lang sa pagmamahal na wala namang halaga sa kanya? Madami na.
Nung isang gabi, sobrang napuno na ko. Sobrang napagod na ko sa lahat ng ginagawa nyang ka shitan sakin. Putangina. Palagi ako sa tabi nya. Halos lahat ng hilingin nyang gawin ko, ginagawa ko para lang maging masaya sya. Pero hindi ako magpapakaipokrita na sasabihin kong ok lang yun basta masaya sya. Siguro dati oo, ganon. Pero ngayon? Siguro naman, may karapatan din akong maging masaya. Siguro naman may karapatan din akong mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko.
Nung araw na yun, wala na kong nasabi kundi,
Layuan mo na ko. Umalis ka na sa buhay ko. Sawang sawa na ko sa kasinungalingan. Punong puno na ko.
Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Pero sa sobrang pagod na nararamdaman ko, parang gusto ko na lang maging masaya sa lahat ng bagay. Wala ng luhang lumalabas sa mata ko dahil sa sobrang tuyo na ng pakiramdam ko. Masaya na ko. Alam ko. Kaya ko ng panindigan to. Hinding hindi na ko magpapatalo sa nararamdaman ko. Dahil oras na mangyari yun, ako na naman ang talo. Hindi na ko babalik sa dating Khazel na sobrang masaktan. Ayoko na don. Sobrang sakit don. At hindi ko hahayaan na masaktan na naman ako dahil lang nagmamahal ako ng taong walang ginawa kundi kunin lahat ng pagmamahal na natatanggap nya, pero hindi marunong magbalik. Alam ko, pagkatapos nito, may isang taong magmamahal din sakin na katulad ng pagmamahal na kaya kong ibigay.
Last na blog ko na to about him. Sinabi ko sa sarili kong kakalimutan ko na sya. At yun ang gagawin ko. :)
Dear Ex,
May gusto lang akong sabihin sa'yo.
Sorry. Sorry kung ganito na ko ngayon. Kung hindi mo na maramdaman na andito pa rin ako. Sorry kung pakiramdam mo hindi na ako yung dating ako na mahal na mahal ka at handang magpakatanga para sa'yo. Pasensya ka na ha? Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ako ganito e. Basta ang alam ko lang, nagbago na rin ako. Nasasaktan din ako. Nakakapanghinayang na kung kailan mo nakitang mahal mo pala ako, tsaka naman nawala yung pagmamahal ko. Pasensya na. Pasensya na kung ganito na ko ngayon. Hindi ko sinsadyang masaktan ka. Hindi ko sinsadyang balewalain ka. Pero kasi, wala na kong maramdaman. Hindi na ako yung dating tanga sa'yo. Hindi ko sinasadyang magbago.
Ang Ex-girlfriend mo,
Ako
Dear YOU,
Sorry kung parati kitang pinagdududahan. hindi lang ako sanay ng magkalayo tayo. Pero tandaan mo, anuman ang sinsabi ko, anuman ang ginagawa ko, mahal kita. Mahal na mahal. Ok? Salamat kasi andyan ka pa din. Anjan ka na ulit.
Mixed Emotions.
Kagabi magkatext kami hanggang alas dose, naopen ko kasi sa kanya kung saan yung sinasabi nung kaibigan namin na pagsasamahan sa kanyang trabaho. Ang tanong nya sakin,
pano mo nalaman?
Kasi narinig ko kanina, sabi ko sa kanya.
Nahihirapan ako. Kahit na ang sabi ko sa kanya e subukan nya, nahihirapan ako.
Apat na taon na kaming magkasama. Apat na taon na araw araw nagkikita kami. Na nung magkahiwalay kami ay halos isumpa ko na sana e wag ko na syang makita kahit kailan. Ang ironic, kung kailan nagkabalikan kami tsaka naman kami magkakahiwalay.
Sabi nya, ayokong sumama nga e. Nagdadalawang isip nga ako.
Tanong ko, bakit? Itry mo! sabi ko.
Sabi nya, ayoko! Ayoko! Kasi pakiramdam ko magiging selfish ako.
Hindi ka magiging selfish. Bakit mo ba naiisip yan? Ok lang ako no. :) reply ko. Ayoko kasing isipin nya yung bagay na yun, dahil ayokong maging hadlang sa buhay nya, kahit nahihirapan ako. Oo, nahihirapan ako.
Ok lang ba talaga? sabi nya.
Oo naman! Bakit hindi? Kung san ka masaya, dun ka. Malaki ka na. Alam mo na dapat at hindi. Basta ang masasabi ko lang, pakabait ka. Yun lang ang ipangako mo sakin ah? Ayoko kasing matakot. HAHA. sabi ko. Dinadaan ko sa tawa at sa biro lahat para hindi kami malungkot. Kahit sa kabila non, nahihirapan ako.
Diba dapat tayong dalawa yung magkasama? Gusto ko kasama kita! sabi nya. Naiyak ako. Kasi nakakaiyak.
Ok lang yan. Diba sabi mo sakin dati, hindi tayo pwedeng parating magkasama? Tsaka isipin mo na lang, kailangan ko ding magayos ng mga kailangan ko kaya tayo sabay magayos. diba? :)
Pero.. Gusto ko kasama ka. Ayokong mawala ka sa paningin ko. sabi nya, nakapagpalaglag ng luha ko.
Ako din. Ako din. Ayokong mawala ka sa paningin ko kasi natatakot ako. Pero ano bang magagawa natin?
Hay. Mahal kita.
Wag na mag 'hay' nalulungkot din ako e. Sa thursday luluwas na din ako, hahanap na din ako sa may bandang QC ng trabaho.
Tingnan mo, magsosolo ka na din. :( Hay.
Napangiti ako kasi para talaga syang bata, syempre no! Hahanap ako ng mejo malapit sayo! Ayokong mamatay sa kakaisip!
Hay mahal kita.
Mahal din kita. Kailangan natin magtiwala ngayon sa isa't isa.
May tiwala ako. :(
Ako din may tiwala. Sana wag mong sirain. Mahal kita.
Mas mahal kita.
MAS MAHAL KITA. SOBRA. sabi ko sa kanya.
Mahal kita. Ikaw lang talaga.
Ako din. Ikaw lang. Ikaw lang ah? Tandaan mo yun. Mahal na mahal kita.
Mahal na mahal din kita parati. Mahal na mahal.
Hanggang sa nakatulog na kami. Nahihirapan ako. Ayoko syang malayo sakin pero ayokong maging sagabal sa kanya. Kaya wala akong magagawa kundi magsakripisyo. At magtiwala.
Iloveyoumore fights.
Koy: Iloveyou.
Ako: Iloveyoumore!
Koy: Mas mahal kita.
Ako: Mas mas mahal kita!
Koy: Iloveyou araw araw!
Ako: Iloveyou orasoras!
Koy: Iloveyou minu minuto!
Ako: Iloveyou segusegundo! Oh, ala ng mas matindi don! Wag ka na kumontra!
Koy: Basta Iloveyou pa din! HMP
HAHAHAHA! ILOVEYOU PA DIN.
Yung feeling na naalimpungatan ka ng madaling araw tas pagdilat mo ng mata mo, katabi mo yung taong mahal mo.
Pakiramdam ko kagabi mahuhulog yung puso ko mula sa dibdib ko literal. Ewan ko. Ang sarap. Ang saya. Di ko madescribe. Pagdilat ko ng mata ko sa kanya agad tumutok. :"> Gusto kong umiyak sa sobrang saya e. Alamoyun? OA no? Pero kasi, kapag naramdaman mo yung ganon? Ewan ko na lang. Ang sarap sa pakiramdam. Para bang ayaw mo ng matapos yung gabi, yung ganon. Ang sarap nya kasing titigan habang tulog. Ang sarap kasi nyang tingnan. Parang nakikita ko yung future na sya yung kasama ko. Sa ganong sitwasyon. Sarap. :')
Mahal na mahal ko yung tao na yun. Di ko sya kayang ipagpalit kahit na sa anumang materyal na bagay o kahit hindi materyal na bagay sa mundo. Kahit ilang milyong lalaki pa ang manligaw at magparamdam, hinding hindi ko sya kayang ipagpalit. Ganon ko sya kamahal. :')