I still have these what ifs..
We broke up exactly 7 months ago and I thought I have moved on from you.. But, I still have these what ifs with me. Sobrang dami kong tanong. Yung mga tanong na hindi ko alam kung masasagot pa ba. Dahil wala ka na. What if I am younger than you? What if I stayed? What if I was there for you right away when you needed me? What if naging mas mabuting girlfriend ako para sayo? What if mas minahal kita? Would you stay? Would you still choose me? Would you still ask me the same question? Kung masaya pa ba ko? I was happy back then. Mahirap. Masakit. But I WAS HAPPY. Kasi nandyan ka. Kasi mahal mo ko. Pero I guess I was so self-centered that I didnt notice that you were unhappy. Hindi ka na pala masaya. Hindi mo na pala ko mahal. Nagulat ako. Kasi one day, nandyan ka.. Pag gising ko biglang wala ka na. Pag gising ko biglang iba na gusto mo. Iba nang plano mo. Hindi na pala ako kasama don. I was hurt. Baka nga mas masakit pa sa nauna kong heartache. Pero hindi ko pinakita. Kasi ayokong maawa ka sakin. Dahil ako to. Hindi mo ko nakilala na nakakaawa. I was strong. I was your strength back then. Ako yung kinakapitan mo sa twing hindi mo na kaya. Sa twing may problema ka. Sa twing nasasaktan ka. I was your bestfriend. Your girlfriend. I was your life. Pero nagbago lahat ng yon.. ng hindi ko namamalayan. I just finished watching our videos. Habang nagtutoothbrush tayo. Habang naghuhugas ka ng mga plates. Habang tulog ka. Habang nanonood ka ng TV. Habang nagluluto ka ng corned beef. Habang nasa mall tayo. At nung ginulat mo ko. Na sobrang saya mo. Na sobrang saya pa natin. Na sakin pa yung mga tawa mo. Yung mga ngiti mo. Sakin pa yung mga mata mo. Siguro hindi ko aalisin sa kung saan man yung mga videos na yon. Kasi yun ang magsisilbing patunay na kahit nagbago na yung tao, yung litrato o yung video ganon pa rin. Hindi pa rin nagbabago. Hindi magbabago. Miss na miss na kita. Gustong gusto kitang kausapin. Itanong kung bakit? Kung anong nangyari. Kung san ako nagkulang? Kung anong mali sakin? Pero hindi na. Dahil alam kong masaya ka na ngayon. Ako rin. Masaya na ko. Sinusubukan kong ibalik sa dati yung buhay ko. Sa katulad nung hindi ka pa dumadating. Sana magawa ko. Sana makaya ko. Pero sabi mo nga, Khazel Ann ako kaya alam mong kaya ko. Sana pala, hindi na lang naging ako to. Baka sakaling pag nakita mong hindi ko kaya, magstay ka lang sa tabi ko.











