❤️ Pa-birthday gift nyo na! whahhahaha #asaness

seen from United Kingdom

seen from Germany
seen from United States
seen from Germany

seen from United States

seen from Germany
seen from Germany

seen from Malaysia

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from Argentina

seen from United States
seen from China

seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Saudi Arabia

seen from United States
❤️ Pa-birthday gift nyo na! whahhahaha #asaness
*pinakita ko pictures ni LA Aguinaldo*
Me: Kim, look.
Kim: Ano mo yan?
Me: Hulaan mo.
Kim: Hala! Magkamukha kayo.
Me: WEHH?
Kim: Oo nga. Parehas kayo ng mata tsaka ng ilong tsaka ng kilay.
Me: OMG. Di nga? Nako baka nawawala ko talagang kapatid si LA. Sakit naman nun.
Kim: Crush mo?
Me: Mehehe. Oo. Pero di nga magkamukha kami? Luh, yoko umasa.
When we like someone, we instantly see all his actions towards us in a different light.
Minsan gusto kong umasa pero pag naiisip ko kung gaano ka kapaasa nawawalan ako ng pag-asa.
Ako lang ba? O Ako pa ba???
Lagi ko syang iniisip. Wala na kong ibang bukambibig kundi sya. Minsan parang biru-biruan na lang. Pero hindi e? Ewan? Di rin ako sigurado? Pero bakit ako nakakaramdam ng ganito? Makikita nila akong kinikilig, at walang humpay na ngumingiti pero deep inside, di ko rin alam kung bakit parang may sakit akong nararamdaman.
Nung una wala lang e. Hanggang sa marami na ang nakaalam. Tukso dito, tukso duon. Nakakakilig. Nakakatawa. Nakakatuwa. And at the same time, Nakakalungkot.
Minsan nga naisip ko, tama pa ba na ganun? Madalas ako pa nagfifirst move. Para akong papansin. Di ko mapigilan e. Pero agad ko namang narerealize na mali dahil babae ako e. Di magandang tignan.
Pero ano tong nararamdaman ko? Tinamaan na nga yata talaga ako? Paano? Wala naman akong ibang alam tungkol sakanya kundi yung buong pangalan nya, birthday nya, edad nya, address nya, contact number nya, student ID number nya. Ay? Wala daw alam? Haha.
Seriously, wala. Yun lang common identification nya. Di ko lubusang alam yung totoong pagkatao nya, family background nya, or anything related to that. Pero tulad nga ng tanong ko, Paano? Di rin naman sya kapogian. Paano?
Paano nyang nabihag ang puso ko? Hahaha! Paano nyang nakuha ang atensyon ko? Dahil ba pachicks sya? Dahil ba ang sungit nya? Hindi e. Turn off pa nga yun e. PAANO???? In-love ba talaga ako o Infatuation lang to? Paano???
Pag tinutukso kami ng mga taong nakakaalam sa paligid namin, nabubuhayan ako ng loob. (HAHAHA! ARTE!) E paano ba naman kasi, nakikita ko syang nangingiti, at nakikigo with the flow? Pero sa kabilang dako, bigla kong maiisip... Panno nga kung nakikiride lang sya? Paano kung ako lang tong nag-aassume? Hahaha.Pero sa kabila ng pagkabuhay ng loob ko, e kasabay ng pagkamatay nito, sa tuwing maiisip ko na, "Wala naman talagang pag-asa e. Mukhang malabo."
Sa sobrang kaartehan ko, mapapatanong na lang ako bigla, "Bakit ba ito inaatupag ko?" Wala lang. Inspiration kuno. Hahahaha!
Hay ewan! Di ko knows. Baka nga tama sila, Tinamaan lang talaga ako. Bahala na kung ano mangyari.