araw at buwan.
naging saksi ang kalawakan sa aking pagkapit,
at sa lahat ng magaganda at mapapait na ating sinapit.
naging kasabwat ko ang mga bituin sa aking pilit na paglapit
at sa gabing malalamig kami’y kasabay mong umaawit.
sino nga ba naman ang hindi sayo’y mahuhumaling?
walang katulad at natatangi ang iyong liwanag at ningning.
kaya kahit daang-milyong milya pa ang layo mo sa’kin, oh adlaw,
paghanga at pagmamahal sayo’y patuloy na mag-uumapaw.
at kahit iyo nang natagpuan ang pinakamamahal mong mundo,
ako pa rin ang nag-iisang buwan na pilit na umaabot at humahabol sa’yo.
-- ikaanim na mensahe para kay b.














