My Atanasoff Family, SY 2010-2011 ♥
Eto ang III-Atanasoff, makukulit, magulo, madalas walang pag-kakaisa, may kanya kanyang pananaw sa buhay, may sara-sariling mundo, maiingay at marami pang iba. Aminado naman kami na wala talaga kaming pag-kakaisa, minsan nga, mag-lalaro nalang, mag-aaway away pa. May mga matatalino, athletes, GC (Grade Concious), mga pikon, di-sport, madaldal (isa nako dun), talented at multi-talented, at kung anu-ano pang makikita mo sa isang typical classroom.
Sa isang bagay lang talaga kami nagkakasundo, WiFi or also known as Wireless Fidelity. Ginagamit namin ang WiFi kapag may surprise test. No, hindi kami nagkokopyahan. We give out clues, na kung saan e magegets nang lahat. Hindi naman namin 'to ginawa the whole school year, by 4th grading nalang.. dahil unti unting nabawasan ang mga sakim, ang mga makasarili sa grade. Hindi, joke lang. Dahil by 4th grading lang kami unti unting nagkaintindihan, nagkaroon kasi kami ng, what you call a, Open Forum. So we blurted out everything we wanted to talk about, who we hate and why we hate them, what's wrong with our class, and everything that we have to talk about. Even my lovelife was mentioned, gosh. Hahaha.
Hindi lang naman puro pain in the ass ang naganap sa school year na yun. Meron rin namang masasayang moments, kaso mas madalas yung pag-aaway. May sagutan pa nga sa room minsan e, haha. Di rin naman maiiwasan ang kaplastikan. We have different groups in the class e. Ang name naman ng group namin is Alpha Bet, sila ang best buddies at pinakamamahal ko sa buong mundo ♥
Kulang kami dito, wala si Angelito and Timothy. Yeah, 2 lang kaming girls sa barkada. Dami naming chikas no? Hahahaha, lmao. From left to right - Ako, Lance, Denise, Adrian. ;> They complete me, and I know, we complete each others lives. Marami narin kaming napag-daanan, last Feb nga, nag-hati yung girls and boys ng barkada dahil sakin.. inaway ako ng boys. Huhuhu. Joke. Pero nag-bati rin naman kami. :)
So yeah, I think mahaba na 'to. Just wanted to share how proud I am to meet and have them in my life. Thanks for everything guys. >:D<