The guys I miss talking to... (Random Order)
Jormalites.
Hi Ate Jorms, busy-busy-han din tayo lalo na at sa GMA ka pa nag-OOJT ngayon. Hindi ko na maalala kung ilang beses na kitang kinulit para makipagkita sa akin.
Ikaw na ang maganda.
Naging textmate kita sa sandaling panahon, wag kang mag-alala, bibili ako ng dual sim na nokia phone para makatext kita ulit... pero kung gusto mo bilhan mo na lang ako. Tutal mayaman ka naman na. *Lolwhut?
I suppose nakwento ko rin sayo ang mala-telenobela kong lablayp, di ba ate?
Basta ang pangarap ko ngayon eh makapiling ka. Naks. Makapiling. Ngingitian lang naman kita pag nagkita na tayo, baka nga isipin mong special child pa ako.
Forever Kababayan. *Pareho kaming Bulakenya*












