At hindi na ako makahinga.
Alam mo kung bakit?
Dahil sa sobrang kaligayahan. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Wala akong alam sa Star Trek series o kaya sa mga movie nito noon. Pero naintriga ako sa mga good reviews ng movie kaya sumakay na rin ako sa Star Trek spacewagon. At ito ang pagkakataon na hindi ko pinagsisihan ang pakikiuso ko. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Hindi ko inakalang matutuwa ako ng ganun. Una sa lahat, nakakatuwa naman yung movie, may tamang action dito, konting comedy dun, and a helluva lot of nerdiness na saklaw ang buong kalawakan. Napossess ako ng inner nerd ko. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Two hours long yung movie pero hindi ko naramdaman. The whole time masaya ako at nakangiti. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Kinailangan ko muna tumili my friends dahil...
Ang pasas on the aratilis on the cherry on the icing on the ice cream on the cake ng kaligayahan ko ay yung part kung saan sinabi ni Spock ang linyang ito:
"An ancestor of mine maintained that if you eliminate the impossible, whatever remains, however improbable, must be the truth."
Nagpanting ang tenga ko. Tumigil ang pagtibok ng puso ko. At nautot ako (joke!). Dahil kilalang-kilala ko ang ancestor na tinutukoy ni Spock.
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
At ang ancestor na ito ay walang iba kundi ang pinakamamahal kong si Sherlock Holmes. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Kabataan ko pa lang, detective stories na ang kinatuwaan ko. Nagsimula ako kay Encyclopedia Brown nung grade 3, at nag-advance ako eventually kay Mr. Holmes (sorry sa Hardy Boys at kay Nancy Drew, inisnab ko sila e, sorry na rin sa ibang detectives in literature, dahil na-inlab na ko e). Anyway, paki niyo ba sa history namin ni Holmes. Balik tayo sa kaligayahan ko today. AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Actually maraming dahilan ang maico-connect ko sa ligayang aking natamo dala ng pag-quote ni Spock kay Holmes. Isa na dun ay may lalabas na Sherlock Holmes movie. Tapos sa movie na yun ang gaganap na Irene Adler (sorry sa mga hindi nakakakilala) ay si Rachel McAdams na kinatutuwaan ko din. Tapos Ang gaganap na Holmes ay si Robert Downey Jr. na siya namang gumanap na Iron Man na kinatuwaan ko din. Puro na lang kinatutuwaan ko! AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
AYIEEEEEEEEEEE!!!!
Parang mamamatay na ko sa saya. This must be nerd nirvana. *floats*