Book 1 Chapter V: The Wild Side...
Minsan sa aking buhay, naranasan ko rin na maging medyo pasaway. Naging tropa ko ang tropapeepz (barkadahan na mga nursing aide na mababait pero medyo pasaway at liberated) dahil kay Monch. Lagi naming tambayan noon ang Celis at kung saan-saan pang lugar na pwede naming tambayan upang makapag-videoke at uminom ng alak. Gayunpaman, Sandali lang akong napa-tropa sa grupong ito. Pagdating ko ng third year at fourth year college, napahiwalay na rin ako. Naging busy na rin kasi dahil bukod sa practice teaching, irregular student din ako. Marahil, isa sa mga dahilan din ay 'yung hindi ako ang tipong kakayanin na maging sobrang pasaway.
Wheng - Fun to be with. Maingay at magaslaw.
Jean - Sobra kung magmahal.
Betty - Dancer at galante.
Jecca - Maganda at sobra magmahal.