Hi Ate Nash koooooo❤ Kamusta ate? Uhm, sana 'okay' ka lang ah. Kasi in the fast few days tingin ko malungkot ka. Hays. Ate, you don’t know how important you are to me. Naalala ko yung unang paguusap natin dito, kampante na agad yung loob ko sayo. Basta alam kong magkakasundo na tayo agad non. :) At yung araw na nalaman kong nag deact ka sobrang nalungkot ako non. Ayoko kasing iwan mo ‘tong Tumblr kahit minsan alam kong gustong gusto mo na. Pero wag mo pa rin gagawin ate ha? Wag mo na ulit gagawin na mag deact. :( Sobrang mahal na mahal kita ate Nash. Isa ka sa mga mahahalagang tao sakin dito. Never mo kong iniwan sa lahat ng problema ko, lagi kang nanjan para tanggalin sa isip ko lahat ng negativity at punan ng mga positive sights. Alam mo ate yung tipong sukong suko na ko pero ikaw najan ka para i-push pa din ako na "Trish, wag kang susuko, lilipas din yan. Pray ka lang." Salamat sa lahat lahat lahat ate ko. Minsan nga hinihiling ko sana naging tunay na ate na lang kita sa totoong buhay para laging may mag pro-protekta sakin sa tuwing sinaksaktan ako, pinapatahan kapag umiiyak ako at pinapangiti kapag malungkot ako. Kagaya ng promise natin sa isa’t isa magiging licensed engineer ka at ako naman ay magiging isang Cruiseline Steward basta papatunayan ko lang na makakatapos ako at mali yung mga iniisip nila sakin. Pero ate Nash, nandito lang ako para sayo okay? Alam mo yan. Wag na wag kang mahihiyang maglabas ng sama ng loob or problema or kung ano man ha. Yung mga plano natin kapag nagkita na tayo ate ko, promise yon❤ hihi. Thank you for being best ate in the whole world. Maybe we’re not sisters in blood but we are sister in our hearts. Take care always, I love you very much ate Nash.❤ mwa.