May mga bagay talaga na hindi mo makikita yung halaga hangga't wala na ito sayo. Yung mga bagay na pagsisisihan mo kasi wala ka nang magawa dahil huli na. Nasanay ka kasing laging nandyan, tumatak na sa isip mo na hindi to mawawala. Pero once na wala na nga to sayo dun mo lang marerealize na sana iningatan mo, sana hindi mo hinayaang mawala ito sayo. Ngayong wala na sayo, wala ka nalang magawa kundi masaktan at damahin yung pagkawala nito sayo.
De, nasira kasi yung phone ko pota. Habang naglalakad ako sa SM, may bumunggo sa akin na bata. Hindi ko alam kung anong hawak nya, basta matigas tapos may matulis. Nasa bulsa yung phone ko tapos nung bumangga sya sa akin sakto dun sa phone ko yung tama. Sa parking area ko na kinuha yung phone ko kasi akala ko naman wala lang yung bangga sa akin. Nung nakita ko cellphone ko, bumungad sa akin ang puting liwanag, nakakasilaw sa puti. Tapos may cute na basag. Nakakagigil nga e. Phone ko na nga lang yung katuwang ko sa araw araw nasira pa. Wala pa akong backup phone. huhu. Ang masama pa tamad akong magsave ng contacts sa sim, laging sa phone lang. Hayahay ang life. Saya saya. Tapos may lakad pa kami bukas :(. Pag nakita ko talaga yung batang bumunggo sa akin babangasan ko yun, tangena nya.
Hays, wala na akong phone. Isang patunay nanaman na wala talagang forever. Saya talaga. -_-














