21-22 MHSL_BAKE SZN
seen from United Kingdom
seen from Singapore
seen from Türkiye
seen from Russia
seen from Germany
seen from United States
seen from Russia

seen from United States

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from China

seen from United States
seen from Romania
21-22 MHSL_BAKE SZN
Mag-ingat sa Ahas
Alam niyo bang may mga klase ng ahas paakyat sa kuta ng Nalandangan na siyang nagsisilbing guwardya namin? Paakyat kasi ng Nalandangan, maraming mga mahiwagang nilalang, maging mga puno, na nagsisilbing unang linya ng depensa namin sa mga mananakop. Siyempre nalaman ko 'to dahil kay Papi! Paano naman niya nalampasan ang mga ito?
Una sa lahat, ang mga Tan-ebang (o Balanakan) na nagtatago sa mga yungib paakyat ng kuta ang siyang nagsisilbing unang panakot sa mga mananakop! Napakamakamandag ng Tan-ebang! Mahilig silang manuklaw sa katawan ng sinumang matitipuhan nito! Tiyak na mamamatay ka kaagad! Ngunit, 'wag kayong matakot! Nanunuklaw lang naman ang Tan-ebang ng mga taong may masamang pakay paakyat ng Nalandangan. Galing no? Nalalaman nila yun!
Kung nalampasan mo naman ang mga Tan-ebang, nako huwag agad na magdiwang! Ang mga Bakesan (o 'di kaya'y Yinlantawen) ang siyang sisindak naman sa inyo! 'Di man makamandag, pinupuluputan nito ang mga biktima nito at siyang dinudurog ang mga buto! Pagkatapos, saka niya lulunukin ang mga napatay niya! Ngunit tulad ng Tan-ebang, may piling klase ng nilalang lamang itong natitipuhan! Mahilig lang ang mga Bakesan sa mga mahihina ang loob—mga duwag. Nakakakilabot no?
Kaibigan ba sila o kaaway? Depende 'yan sa kung sino ang umaakyat ng kuta! Siyempre, walang nasabi ang mga ahas na ito kay Papi! Alam naman ng buong Nalandangan na malinis ang kalooban ni Papi, at siyempre! Siya na ata ang pinakamagiting at pinakamatapang na nilalang na nakilala namin sa Nalandangan! :)